^

Pang Movies

Rufa Mae hindi na-control ang mannerisms

PARINIG NGA! - Lanie B. Mate - Pang-masa

Nagawa namang baguhin ni Direk Marlon Rivera ang image ni Rufa Mae Quinto sa movie niyang Ang Huling Henya na kasalukuyan pang palabas sa mga sinehan.

Ang hindi lang maiwasang kontrolin ni Rufa Mae ay ang kanyang kilos at lumang mannerisms na pataas-taas ng kamay na hindi nabantayan ng direktor. Pero at least kakaibang Rufa Mae ang napanood na may aksyon at drama ang ipinakita niya. At smart na ang imahe niya sa relaunching movie dahil anak nga siya ng mga scientist. Nakuha namang burahin ang image na bobita siya. 

Bitin lang sa mga patawang eksena na kinagawian nang mapanood sa kanya. Kulang ’yung batuhan nila ni Candy Pangilinan na, in fairness sa dalawa, ay na-pick up ng mga manonood ang kanilang mga sundot.

Rannie magbubukas ng restobar para sa OPM singers

Huntahan palang ng mga magbabarkadang Hit Men na binubuo nina Renz Verano, Rannie Raymundo, Richard Reynoso, at Chad Borja ay katakut-takot na tawanan na sa kanilang umpukan.

Kaya tiyak na hindi lang mga sikat na OPM hits ang babanatan nila sa show sa Resorts World sa Sabado, Aug. 31 ng gabi. Promise pa ng grupo na isang masayang gabi ng aliwan mula sa kanya-kanya nilang hit ang kanilang ibibigay sa mga manonood. Hindi naman daw sila naglalaglagan nang sobra dahil alam nila ang kanilang limit at kahit na sikreto pa ng isa’t isa.

“Kuwentuhan lang naman ang laglagan para masaya. Wala pang magic dun ha. Alam naman namin ang limit kahit alaskahan lang. Wala namang masasaktan, magsasaksakan lang,” pabirong sabi ni Rannie sa isang interview.

Bukod sa may aliw factor talaga ang samahan ng grupong Hit Men, hindi na nila kailangang maghanap ng production team na mamahala sa kanila. Dahil bawat member ay may kanya-kanya nang expertise na tulad ni Renz na nagtitimpla pagdating sa voice, si Chad naman ang bahala sa technical, si Richard ay puwede raw tumayong producer ng grupo, at si Rannie naman ang nagbi-blend ng kanilang instruments.   

Samantala, naghihintay lang si Rannie na matapos ang ghost month at magbubukas na ang kanyang res­tobar na PRIMOS Cuisine and Lounge sa Greenfield district sa EDSA corner Shaw Blvd. Magsisilbing bahay daw ng OPM singers ang restobar bilang pagbibigay pagpapahalaga sa mga kantang Pinoy. Para muli rin daw magkaroon ng venue ang local pop singers. Welcome sa kanyang bar ang lahat ng mga singer na bibigyan niya ng artist night kumbaga gabi-gabi.

vuukle comment

ANG HULING HENYA

CANDY PANGILINAN

CHAD BORJA

CUISINE AND LOUNGE

DIREK MARLON RIVERA

HIT MEN

LANG

RANNIE

RUFA MAE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with