^

Pang Movies

Female TV host todo-makeup, parang magpa-party sa pagsagot sa telethon

REBYUWER KIBITZER - Jhi D. Gopez - Pang-masa

Pinintasan ang isang female TV host sa isang malaking TV station dahil nang umapir ito para sa kawanggawang telethon kamakailan ay todo-makeup daw ito.

Puna ng isang viewer na idinaan sa text message, tinalbugan pa raw ng sexy pero mother nang TV host ang mga teen star na nakikitang sumasagot sa telepono para sa mga biktima ng bagyo at habagat. Wala raw halos kolorote ang kanilang mukha. Na­ging mas natural at fresh pa tuloy ang dating ng mga kabataang aktres kumpara sa seksing madir na ayos na ayos pati ang buhok na parang may pictorial o party pagkatapos ng telethon.

Sayang at dito sumablay ang TV host. Na-out of place ang consistent niyang pagka-fashionista. Nalimutan yata nila ng kanyang stylist ang okasyon at hindi nailagay sa tamang lugar ang pagpupustura.

Sa Twitter naman, may isang nakatawag ng pansin sa ibinigay na komento na sana raw ay may celebrity na mag-post ng selfie picture. Pero hindi ng mukha kundi ng “thigh” daw na nasa baha. Ibig lang sabihin, tipong hinahamon nila ang mga artista, lalo na siguro kung maarteng babae, na magpakita ng pruweba na lumulusong sila sa mataas na baha kesa mag-pose lang ng sarili na walang kawawaan.

Okay sana ’yun, kaya lang paano namang lulusong ang artista sa baha kung ang lugar naman nila ay hindi inabot ng tubig? O baka hinihintay sila sa mga apektado pa ring komunidad (tulad sa Pampanga at Bulacan) na lumusong sa tubig o putikan at doon iabot ang relief goods, ’di kaya?

Tatlong ‘90s US bands magsasama-sama sa Araneta

Dadalhin ng Random Minds Productions ang ’90s bands na Sugar Ray, Smash Mouth, at Gin Blossoms sa Oct. 21 sa Smart Araneta Coliseum. Bongga ito dahil parang 3-in-1 na kape ang ginawa nila. Sana lang hindi times three ang presyo.

Noon kasing nag-concert ang new wave bands Modern English at The Alarm sa Arena ng Mall of Asia ay medyo mahal pa ang pinakadulong puwesto. Sayang kung dumadayo nga silang foreign artists pero hindi rin naman napapanood ng karamihan.

Pero bago ang tatlong American bands ay mauuna muna sa Sept. 26 ang isa pang US band na The Killers. Hindi sila magkaka-batch dahil sumikat ang The Killers nung pagpasok na ng milennium. Pakana ng Ovation Productions ang kanilang Big Dome concert. 

Pinakasikat nilang kanta ang Mr. Brightside na nakasali sa soundtrack ng Hollywood movie na The Holiday at mapapanood pa sa isang eksena na tuwang-tuwa na isinasayaw ni Cameron Diaz ang kanilang big hit.

Kahit siguro ang Mr. Brightside lang at ang Smile Like You Mean It ang kantahin nila ng paulit-paulit parang sulit na rin. Pero marami pa silang magagandang kanta na pinatutugtog sa radio stations natin hanggang ngayon.

One Direction ginaya si Justin Bieber

Hindi nagpatalbog ang UK boyband One Direction kay Justin Bieber pagdating sa paggawa ng biofilm. Meron na rin silang ipalalabas sa Aug. 30.

Tulad ng pelikula ni Justin, mukhang hindi naman tatauhin sa sinehan ang One Direction: This is Us na 3D film pa. Ipinakikita na ang kanilang trailer ilong linggo na ang nakararaan at halos tungkol lang sa barkadahan at behind-the-scene takes ng kanilang concerts ang tema. Eh karaniwan din namang mapapanood ‘yung mga ganun sa mga music video ’di ba? Baka nga kung fanatic ay mas marami pang info at trivia na makalap kesa sa isang pelikula na edited na.

*  *  *

May ipare-rebyu? E-mail: [email protected]

BIG DOME

CAMERON DIAZ

GIN BLOSSOMS

JUSTIN BIEBER

MR. BRIGHTSIDE

ONE DIRECTION

PERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with