Eugene hindi na nag-iilusyon ng career sa Hollywood!
Naging masaya ang presscon ng Instant Mommy ni Eugene Domingo at ng Japanese actor leaÂding man niyang si Yuki Matsuzaki sa Cocoon Hotel sa Timog Avenue, Quezon City. Game na game kasi si Yuki na pinasaya ang entertainment press sa mga pang-bading na lingo niyang itinuro raw ni Uge, like waley, havey, bongga, at echos.
Hindi naging problema kina Eugene at sa buong production staff ng producer na si Atty. Joji Alonso si Yuki dahil bukod sa mahusay mag-English (kasi Hollywood actor din), hindi kinakitaan ng reklamo ang Hapon sa maliit na location nila. Hindi rin ito nag-demand ng mataas na talent fee. Matagal na raw kasi niyang gustong makagawa ng isang movie in Asia at nang dumating ang offer to do an indie film, hindi na siya tumanggi. Aware rin siya na Eugene is one of the top at mahusay na aktres ng Pilipinas.
Sa story, may Japanese lover si Bechayda (Eugene), a wardrobe assistant in TV commercial production, at para ma-maintain ang relasyon niya kay Kaoru, magpi-pretend siyang preggy. Wala kayang maging kumplikasyon ang relasyon nila sa pagsisinungaling niya?
Sa presscon, biniro si Eugene kung bakit sa dinami-rami ng mga nagawa na niyang movie, dito lamang siya pumayag na magpakita ng isang dede niya? Ikinagulat ito ng mga nauna nang nakapanood ng indie film sa Cinemalaya International Film Festival last month. First time lamang daw hiningi ang gano’ng eksena, na dapat lamang dahil sa title nitong Instant Mommy, kaya hindi na siya nagpakiyeme.
Tinanong si Uge kung wala ba siyang balak mag-try din sa Hollywood, okay na raw siya rito sa Pilipinas. Hindi naman kasi siya umaasam ng international career. Sapat na sa kanya na gumawa ng pelikula na naipalalabas sa ibang bansa at maging ambassador ng mga pelikulang ito once naimbita sa mga international film festival.
Thankful din si Atty. Joji na napakabait ni Yuki at bumalik pa ito ng Pilipinas para lamang tumulong mag-promote ng movie na showing na sa Wednesday, Aug. 28, pero may special screening sila sa Tuesday, Aug. 27 sa Podium Cinema, 7:00 p.m. Humingi ng tulong si Atty. Joji sa entertainment press to spread the news dahil first time niya na ang film company na niya, ang Quantum Films, ang magri-release ng movie nationwide. And bilang pasasalamat ng lady produ kay Yuki, iti-treat niya ang Japanese actor sa Misibis Bay.
Nakausap pala namin si Gladys Reyes, isa sa nag-review ng Instant Mommy sa Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) last Thursday sa presscon ng afternoon prime na Pyra, Babaeng Apoy at sinabi niyang R-13 ang indie movie ni Atty. Joji hindi dahil sa pagpapakita ng boob ni Eugene kundi sa tema ng story na sinulat at dinirek ni Leo Abaya.
- Latest