Mga artistang tumulong nilalait pa!
Saludo kami and thankful sa lahat ng mga taong nag-extend ng kanilang mga kamay at nag-abot ng kanilang tulong, celebrity man o hindi, may coverage man o wala, para sa mga less fortunate nating mga kababayan na apektado ng kalamidad dulot ng habagat at ng bagyong Maring. Hindi mahalaga kung gaano ang naitulong mo, kahit isang maliit na kalderong pagkain o umupo ka lamang sa mga teÂlethon ng mga TV station at nananawagan ng tulong.
Ang Philippine Red Cross nga, kahit daw ang P20 lamang na ido-donate ninyo will go a long way daw dahil ’pag pinagsama-sama nga naman iyon, maraming taong malulunasan ang gutom at ginaw sa mga evacuation center. Marami rin sa kanilang sinuong ang mga baha makaabot lamang ang kanilang mga tulong. Kaya lamang, may mga basher pa rin sa kanilang Twitter, Facebook, at even sa mga column nila sa diyaryo na walang kasiyahang pinipintasan pa ang mga tumutulong. Sana sila, kahit singkong duling, ay nakapag-abot ng tulong.
MHL tatapusin na
True na hanggang second week of October na lamang mapapanood ang My Husband’s Lover nina Dennis Trillo, Tom Rodriguez, at Carla Abellana. Ayon sa writer nitong si Suzette Doctolero, 19 weeks lamang talaga ang script niya at gusto niyang masunod ito at magtapos na mataas pa rin ang rating dahil hindi nagsawa ang televiewers sa mga eksena ng pink-serye.
Raymond magiging consultant na rin sa nilipatan
Tuloy na pala si Raymond Gutierrez as one of the hosts ng showbiz talk show ng TV5, ang Showbiz Police na magpa-pilot na sa Sept. 14.
Makakasama niya sina Cristy Fermin, Direk Joey Reyes, at Congresswoman Lucy Torres-Gomez.
Sa kanyang Twitter account ipinaalam ni Raymond ang pag-sign niya ng non-exclusive contract sa TV5.
Nagpasalamat siya kay Ms. Wilma Galvante who is now the head of TV5 Entertainment for her understanding and trust. He also thanked GMA Network, Inc., “For all the opportunities and for training me to be the capable host I am today. I’m grateful. My doors are not closed.â€
Magiging consultant din si Raymond ng show.
Christopher magpo-produce ng religious musical play
Ipo-produce pala ni Christopher de Leon ang musical play na Lorenzo. Natatandaan namin na dapat ay ginawang pelikula noon ni Boyet ang buhay ni San Lorenzo Ruiz pero hindi natuloy. Hindi man ito natuloy, naging daan naman ito ng complete change of character ng mahusay na aktor several years ago na at that time pala ay hindi alam kung saan papunta ang buhay niya bilang actor at family man.
Sa pamamagitan din nito ay nabuo ang grupo nila ng mga artista sa Catholic charismatic renewal group na Oasis of Love that he is leading until now.
- Latest