Pokwang pinatulan ang mga naninira sa mga artistang nagkakawanggawa!
Nakansela man ang presscon nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo for Got to Believe dahil sa bagyo at habagat na naka-schedule sana noong Miyerkules, naging makabuluhan din ang araw ng magka-love team dahil tumulong naman sila sa mga nasalanta ng baha.
Sa picture na na-post sa website ng ABS-CBN, ipinakitang nagre-repack ang magka-love team ng relief goods sa Kapamilya Sagip Center.
“Kami rin sa bahay ni mama at Kathryn sabay-sabay kaming namili. Maluwag kami, maluwag tayo, tumulong muna,†sabi ni Daniel nang makapanayam siya ng TV news.
Say naman ni Kathryn, “Masuwerte talaga naman ‘yung ’di inabutan ng baha. Ito ‘yung way namin para makatulong sa kanila, ‘yung simpleng ganito, magre-repack ka.â€
Natawa kami sa nabasa naming tweet ni Pokwang sa kasagsagan ng panaÂnalanta ng bagyong si MaÂring at ng habagat.
Tweet niya, “‘Yung iba nating kababayan dyan na sa halip mang urat ng artista sa social media e gumawa n lang ng paraan para makatulong! Pwede? Ha, pwede??â€
May mga nagkokomento pa nga naman kasi na ang mga artista raw, tumutulong lang dahil gustong magkaroon ng publicity kaya hayan at nakatikim sila from Pokwang.
Minsan talaga, hindi mo alam ang gagawin mo sa fans na walang magawa. Kapag hindi tumulong ang artista kung anu-ano ang sasabihin. ’Pag tumulong naman, may nasasabi pa rin.
Anyway, isa si Pokwang sa mga artistang naging aktibo sa pagtulong habang nananalanta sa Kamaynilaan si Maring at habagat.
Empress ngiti lang ang sagot sa pag-uusisa sa BF na si Joseph
Nakausap namin si Empress sa birthday party ng katotong Roldan Castro and asked kung ano ang next project niya after Huwag Ka lang Mawawala. Aniya, wala pa raw sinasabi ang management kaya wait lang siya.
Tinukso rin namin siya sa kapareha niya sa serye na si Joseph Marco dahil ang balitang nakakarating sa amin ay magkarelasyon na sila.
Pero puro ngiti lang ang isinagot sa amin ng dalaga. Pero halata naman sa aura niya na happy siya ngayon. At maging sa Huwag Ka Lang Mawawala, mahahalata rin sa pag-arte nila na parang may something sa kanila ni Marco.
Anyway, happy si Empress sa napakagandang feedback ng serye at ang oportunidad na makasama si Juday. Natutuwa rin siya na kahit support lang sila ni Joseph, tumatak pa rin ang mga karakter nila bilang Iris at Leandro.
Samantala, ngayong gabi na ang huling episode ng drama series at abangan kung paano magwawakas ang kuwento nina Anessa, Alexis, and Eros. May mababaliw at may makukulong ang tanging masasabi namin.
- Latest