Bong napaboran sa pag-ayaw sa MMFF, problema kay Napoles mahaharap!
Kumuha ng isang signature expert si Sen. Bong Revilla, Jr. upang tulungan siyang patunayan na kahit kailan ay hindi siya nagbigay ng pera mula sa kanyang pork barrel fund para sa mga NGO (non-government organization).
Nadadawit kasi ang senador sa P10-billion scam ni Janet Napoles. May alegasyon kasi na isa ang actor/politician sa mga nakinabang sa nasabing pagkalustay ng malaking halagang galing sa Priority Development Assistance Fund (PDAF) ng mga mambabatas sa Senado at Lower House.
Sinusuring mabuti ng tanggapan ni Sen. Revilla sa Senado ang lahat ng kanilang allocations upang higit na pagtibayin ang seguridad ng paghawak nila sa pera ng bayan. Ang sabi ng abogado ng senador na si Atty. Joel Bodegon, malinaw na records ng kanilang tanggapan, na hindi sila nagbigay ng pera kahit saang NGO.
Lahat ang paglalabas nila ng budget mula sa PDAF ng senador, may personal na masusing pag-aaral ng mambabatas, bago niya ito aprubahan with his own signature. Gusto ring palabasin ni Sen. Revilla na ang mga usapan na dinadamay ang mga senador at congressmen ay galing lamang sa falsified documents.
Siguro isa sa mga dahilan kung bakit umatras sa 2013 Metro Manila Film Festival si Sen. Bong ay upang magkaroon ng sapat na panahon para ipagtanggol ang kanyang sarili sa kasong bunga ng iskandalo ni Napoles.
Thy Womb ipapalabas sa filmfest sa Russia at Hawaii
Ipapalabas sa Filmmaker in Focus section ng 33rd Hawaii International Film Festival, from Oct. 10-20, ang obra ni Brillante Ma. Mendoza na bida si Nora Aunor. Nakalibot na ang pelikulang Thy Womb sa ilang prestigious worldwide filmfests bago ang screening sa Hawaii.
Before its Hawaii participation, ipapalabas din ang Thy Womb sa St. Petersburg International Film Festival in Russia on Sept. 13 to 22.
Ipinagdarasal ng Noranians na maging lahok sa 2014 Oscar Awards, to be hosted by Ellen DeGeneres, ang Thy Womb. Naku, maraming magagandang pelikula ang maglalaban. Matunog ang On the Job ni Erik Matti.
Lexi nagpa-panic tuwing nagkakasakit, hindi malimutan ang dinanas ng ina
Laging kabado si Lexi Fernandez kapag nagkakasakit. Madali siyang mag-panic lalo na kung inaatake ng hika.
Nakita ng 18-year-old kontrabida ang paghihirap ng kanyang mother na si Maritoni Fernandez nang magka-cancer. Alam niya kung gaano ang hirap na gamutin ito with chemotherapy, radiation, at gamot. Naoperahan pa ang aktres at lahat ng difficult bout against the Big C, nasaksihan lahat ni Lexi, noong six years old pa lang siya.
Kaya ngayon ay lubhang nag-iingat siya sa kanyang kalusugan. Inaalagaan niya ang kanyang katawan at kinakain ang mga wastong pagkain.
Medyo malungkot sina Lexi at ang lahat ng bumubuo ng Kakambal ni Eliana. Siya ang malditang kontrabida sa magbababung teleserye at mami-miss niya ang maganda nilang samahan.
Young actor diring-diri sa mga bakla, nakarelasyong parlorista biglang binura
Nagtitili ang isang kumareng hindi ma-take ang pagmamalinis ng isang young actor.
‘‘Diring-diri kapag kaharap ang mga bading, lalo na at purita lang,’’ hibik ng amigang beki. ‘‘Akala mo kung sinong malinis, samantalang ang una niyang ka-live-in isang beautician na nagha-house service. Nagbabahay-bahay para kumita. Lahat naman ng perang pinaghirapan sa pagkakayas ng kuko at paghihimay ng buhok, sustentado sa aktor na ngayon.’’
Ang huling hiyaw ng bukikerang baklita, ‘‘Lumingon naman siya sa kanyang nakaraan para hindi siya nangmamata ng mga pobreng kafatid.’’
GMA News TV itinaob ang Channel 7 sa int’l awards
Buti pa ang GMA News TV nakakagawa at ipinalalabas ang mga makabuluhang shows tulad ng Titser. Very inspiring and educational ang bagong drama series every Sunday, 7:15 p.m., at tunay na nagbibigay pa ng magagandang aral sa buhay.
Daig pa ng News TV ng network ang kanilang Channel 7, na bihirang magkaroon ng napapanahong show.
Pansinin ninyo ang mga nagwawagi ng mga international award ng GMA, halos lahat mula sa GMA News TV.
- Latest