^

Pang Movies

Nasa korte na rin pero ayaw magkuwento: Vina umaming kabilang sa samahan nang mga inabuso ng ‘Asawa’

Mary - Rose G. Antazo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Hindi ikinakahiya ng Kapamilya singer-actress na si Vina Morales na kasali siya sa isang samahan na tinatawag na 9262 Club. “9262” refers to the Philippine Republic Act na more commonly known as the anti-violence against women and their children.

At kasali rin sa grupo na ito ang mga artistang sina AiAi delas Alas, Kris Aquino, Claudine Barretto, at Sunshine Cruz na ipinaglalaban ang kanilang karapatan bilang mga babae. Ito ang common sa limang artista.

Naging mailap naman si Vina na idetalye ang involvement niya sa grupo.

“For now, akin na lang ‘yon,” say ni Vina nang makausap sa selebrasyon 15th anniversary ng kanyang Ystilo na personal niyang mina-manage kasama ang kapatid na si Shaina Magdayao.

Nang matanong naman kung ano ang nararamdaman niya tuwing humaharap siya sa korte para ipaglaban ang kanyang karapatan, sabi nito ay “Pagdating diyan, ang lahat gagawin mo para sa anak mo, what’s best for her.”

Dagdag pa niya, depende na raw sa tao kung paano iha-handle ang problema.

“Siguro, para sa akin, hina-handle ko ng mas tahimik para sa anak ko,” sabi ni Vina.

Mayroong four-year-old daughter (Ceana) si Vina sa kanyang former partner na businessman na si Cedric Lee.

Ang kaibahan lang kay Vina sa ibang artista na may ganitong kasong pinagdadaanan ay mas pinili niyang hindi na ito isapubliko at maging tahimik na lamang para hindi na lumalala ang sitwasyon.     

 

CEANA

CEDRIC LEE

CLAUDINE BARRETTO

KRIS AQUINO

PHILIPPINE REPUBLIC ACT

SHAINA MAGDAYAO

SUNSHINE CRUZ

VINA MORALES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with