^

Pang Movies

Pinay nurse na pinarangalan ni President Obama hindi man lang sinalubong sa airport, habang si Taylor Lautner inabangan hanggang madaling araw

MASA...RAP - Ernie Pecho - Pang-masa

Hindi naman inggit to death ang mga kafatid kay Boy Abunda sa one-on-one interview with Taylor Lautner. Very close kasi ang kanilang pag-uusap at noong ending ay tila nahalikan na ng TV host ang poging Hollywood actor. Kilig to the bones ang mga beki.

Buti pa kay Taylor, maraming sumalubong kahit alas-kuwatro ng madaling araw dumating. Ang Pinay nurse na si Menchu Sanchez na pinarangalan bilang bayani, sa pagliligtas sa dalawang bata, ni Pres. Barack Obama ay wala man lang nag-welcome sa Ninoy Aquino International Airport.

Inaabangan namin ang kanyang arrival coverage at mga interview sa TV pero wala kaming napanood. Baka naman exclusive lang ito sa Solar TV o sa History Channel!

Buti pa ang mga artistang pumayag maging su­gar mommy at niloko ng mga lalaking kinalokahan, full TV coverage kapag nagngangalngal sa sinapit na sila rin naman ang may gusto.

Cervantes nagpauso ng h sa pangalan

Maraming lumabas na artikulo tungkol sa pumanaw na actor/director/writer/critic/activist na si Behn Cervantes. Sa halos walang katapusang li­tanya ng kanyang mahahalagang ambag sa film industry at Philippine theater, walang duda na isa siyang dakilang tao. Kaya lang may nakalimutan silang isang ’di malilimot na kontribusyon ng magi­ting na artista.

This one is for the books. Si Behn Cervantes ang original at nagsimulang gumamit ng letter “H” sa pangalan. After him, marami ang gustong magpa-class sa pagsunod sa kanya.

Kaya isinilang ang tila nagpabinyag muli na mga Ah-nita, Ah-gatonah, Eddhie, Mariah, Felipha, Litoh, at marami pang iba. Indi naman nakakalito, deh ba? Sorry nahiram ang H sa hindi.

Kahit ilang letter “H”, maaaring idagdag sa iyong name as you please. Endless naman ang supply ng “H” sa alphabet at libre pa! Huwag na lang sa inyong apelyido o family name idadagdag, baka magalit ang mga ninuno ninyo at kayo’y multuhin.

Isa lang ang letter “H” sa lighter side ni Behn Cervantes. Isa siyang dakilang humorist kaya ang kanyang mga essay at article ay nakakaaliw o nakakatawa.

Sa lahat ng mga kamag-anak at nagmamahal kay Behn, specially to Ms. Lingling Cervantes, na ilang taon kaming isinali sa pagpili ng Ten Outstanding Students of Makati, ang aming taos pusong pakikiramay. Nag-iisa lang ang Behn Cervantes. Tunay na wala siyang kaparis.

Kita ng Ekstra hinihintay ilabas

Hanggang ngayon ayaw papigil ang pagtatalo kung blockbuster o flop ang Ekstra. Kasali sa anniversary presentation ng Star Cinema ang Vilma Santos-starrer. Kaya dapat maglabas sila ng official figures, tulad nang ginawa sa dalawa nilang kabilang din sa selebras­yon ng kanilang anibersaryo. Para malaman na natin ang totoo.

Kapag kumikita kasi ang kari-release lang nilang movie, may press release agad ng total gross. Para naman mabigyan na si Santos ng mainstream talent fee.

Patikim ng food and wine nasa EU fest ng Rustan’s

Manay Ethel Ramos, sabay tayong mag-shopping sa ongoing European Union festival ng Rustan’s. ’Di ba naghahanap ka ng Beluga caviar bowl at mga bagong labas na design ng Lalique crystals? Meron sila.

Mas okay sa Aug. 19 dahil may wine and European free-tasting sila sa Shangri-La Plaza Rustan’s branch (Mandaluyong City).

 

ANG PINAY

BARACK OBAMA

BEHN CERVANTES

BUTI

EKSTRA

EUROPEAN UNION

HISTORY CHANNEL

KAYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with