Melissa ayaw pang magpaligaw
Mukhang naka-move on na si Melissa Ricks sa kanyang breakup with Paul Jake Castillo noong nakaraang buwan.
Nakita si Melissa na masayang-masaya sa launch niya bilang celebrity endorser ng Cosmo Skin ng BFPC sa SM Mall of Asia kamakailan.
Though ayaw pang magsalita ni Melissa tungkol sa kanyang breakup, nakikita namang masaya siya dahil sa magkakasunod na mga trabaho niya ngayon.
“Magwa-one month na kaming wala,’ di ba? I guess it’s time to move on. I don’t want to think about it talaga. I have so many things to do to keep me occupied. No time para maging malungkot ako. Nailuha ko na siya, matagal na,†ngiti pa ni Melissa.
One year and four months din tumagal ang relasyon nila Melissa at Paul Jake. Ayon sa ilang sources ay maayos naman ang paghihiwalay ng dalawa.
Hindi pa handang magpaligaw ulit si Melissa. Gusto niyang maging busy sa trabaho muna.
Direk Jeffrey excited na sa pang-award na pelikula nina Nora at Lorna
Dahil sa magandang pagtanggap sa indie film na Ekstra: The Bit Player ni Direk Jeffrey Jeturian na pinagbibidahan ni Batangas Governor and Star For All Seasons Vilma Santos-Recto, hindi lang ito pinipilahan sa takilya ngayon kundi naimbitahan pa ito sa iba’t ibang international film festivals.
Bagama’t hindi ito nakasama sa katatapos lamang na Cannes International Film Festival, naimbitahan naman ang Ekstra sa 38th Toronto International Film Festival on Sept. 5 to 15. Kasama nga ito sa Contemporary World Cinema section.
Naimbitahan din ang Ekstra sa Tokyo International Film Festival at sa Chicago Film Festival. Pero naging priority ang sa Toronto dahil required na doon mag-world premiere ang mga iniimbitahan nilang pelikula.
Nakilala nga si Direk Jeffrey sa kanyang mga critically-acclaimed films na nagbigay ng best actress awards sa kanyang mga dinirek na aktres tulad nina Nida Blanca (Sana Pag-ibig Na), Ana Capri (Pila Balde), Ina Raymundo (Tuhog), at Cherry Pie Picache (Bridal Shower).
Ngayon ay si Vilma naman ang nabigyan niya ng best actress award sa Cinemalaya Independent Film Festival.
Excited na si Direk Jeffrey para sa awards season next year dahil bukod kay Ate Vi ay may pang-award din na pelikula sina Nora Aunor (Ang Kuwento ni Mabuti) at Lorna Tolentino (Burgos).
Radical na direktor na si Behn Cervantes pribadong memorial ang huling hiniling
Isa na namang haligi ng local entertainment industry ang sumakabilang-buhay noong nakaraang Aug. 15. Namaalam na nga ang stage and screen actor-director na si Behn Cervantes sanhi ng sakit na pneumonia. He was 74 years old.
Ayon sa mga kamag-anak ng yumaong direktor, alas-diyes ng umaga ng Aug. 15 namaalam si Cervantes sa Asian Hospital in Alabang, Muntinlupa City.
The director would have turned 75 on his birthday this coming Aug. 26.
Isang private memorial naman ang ibibigay ng pamilya at mga kamag-anak ni Cervantes dahil ito raw ang kanyang huling kahilingan.
Nakilala si Behn Cervantes dahil sa kanyang pagiging isang radical leader ng mga protesta noong panahon ni Pangulong Ferdinand Marcos. Kasama niya ang kapwa direktor na si Lino Brocka sa mga protesta sa kalsada at naranasan na rin nilang makulong kasama ang ilang mga aktibista.
Bukod sa theatre, nakagawa ng isang critically-acclaimed film si Cervantes noong 1976. Ito ay ang pelikulang Sakada na tungkol sa pagkakaisa ng mga trabahador ng isang sugar plantation laban sa pang-aabuso ng pinagsisilbihan nilang pamilya.
Pinagbidahan ang Sakada nina Hilda Koronel, Bembol Roco, Alicia Alonzo, Robert Arevalo, Rosa Rosal, Gloria Romero, and the late Pancho Magalona.
Naging kontrobersiyal ang pelikulang Sakada nang ipalabas ito sa mga sinehan dahil pinatatamaan daw nito ang pagiging diktador ni Marcos.
Pina-pull out daw ito agad sa mga sinehan at na-ban ng ilang taon for any commercial exhibition. Napanood na lang ulit ito noong matapos na ang Marcos regime. Kabilang sa mga naidirek pa ni Cervantes ay ang mga pelikulang Bawal, Ito Kaya’y Pagkakasala at Masikip, Masakit, Mahapdi.
Bilang aktor naman ay lumabas si Cervantes sa mga pelikulang Bomba Star, Aguila, When I Fall in Love, Memories of Old Manila, Waiting in the Wings, Alas-Dose, Ang Anak ni Brocka, at Barako.
- Latest