^

Pang Movies

Pambubugbog hindi pa mai-deny ng abogado ni Cesar

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Pinag-uusapan sa lahat halos ng mga TV shows ang isinampang kaso ni Sunshine Cruz laban sa kanyang asawang si Cesar Montano. Nauna run, humingi siya ng Temporary Protection Order mula sa hukuman na hindi naman agad na ibinigay ng kor­te. Nag-file rin naman siya ng panibagong kaso na under sa violence against women and children.

Bukod sa sinasabi ni Sunshine na siya ay minumura, iniuntog, at pinilit pa raw siyang makipagtalik ng kanyang asawa nang hindi niya gusto, ginamitan daw siya ng puwersa kaya nagharap na siya ng sumbong na rape o panggagahasa. Patuloy pa rin daw siyang tinatakot sa pamamagitan ng text at hindi na ipinakikita sa kanya ang tatlo nilang anak na babae.

Pero ang nakatawag ng pansin ng mga tao ay ang sumbong na rape o panggagahasa. May mga nagsasabi, ano ang rape eh mag-asawa naman sila at katunayan nga ay may tatlo na silang anak na babae? Bakit ngayon pa niya aakusahan si Cesar ng rape?

May isang bagay na hindi naiintindihan ng mga tao basta sinabing rape. Ang talagang ibig sabihin ng rape ay sapilitang pakikipagtalik. Maging ang batas ay may sinasabing “marital rape”. Kahit na kayo ay mag-asawa kung pipilitin ng lalaki ang babae na makipagtalik sa kanya nang labag sa kalooban, iyon ay rape.

Ang sinasabi ni Sunshine, noong nakaraang Mother’s Day ay pinilit siya ni Cesar na makipagtalik.

Sinasabi naman ng abogado ni Cesar na si Atty. Joel Ferrer na may ebidensiya silang hindi gano’n.

Nag-text daw si Sunshine kay Cesar na nag­yayayang mag-dinner. Pagkatapos ng dinner, tumuloy sila sa bahay ng aktres at doon natulog si Cesar. May mga text pa raw si Sunshine matapos ang Mothers’ Day na makapagpapatunay na wala silang pagkakagalit ng aktor at walang naganap na sapilitang pakikipagtalik sa kanya ang kanyang asawa.

Habang sinasabi iyon ng abogado ni Cesar, tatawa-tawa lamang si Atty. Bonifacio Alentajan na abogado naman ni Sunshine at ninong nila sa kasal ni Cesar. Pero hindi sinagot ng abogado ni Cesar ang akusasyon ni Sunshine na verbal abuse at pananakit sa kanya. Sinasabi kasi ng aktres na sinampal siya at iniuntog pa ni Cesar sa pader.

Nagbitiw na rin ng salita si Sunshine na hindi na niya babalikan ang mister at hindi siya nanghihinayang sa labing-pitong taon nilang pagsasama dahil pagdurusa lang ang nangyari sa kanya at ayaw na   niyang balikan iyon. Sinasabi rin niya na nag­sinunga­ling si Cesar nang sabihin nito sa social networking account na kaya ga­no’n ay dahil may boyfriend nang iba ang kanyang misis.

Nang komprontahin daw niya si Cesar tungkol sa mga bagay na iyon, ang isinagot lamang ng aktor ay “pabayaan mo na lang sila.”

Ngayon ay deretsahan na ring sinasabi ni Sunshine na may mga ebidensiya rin siya na talagang nambababae si Cesar at nagkaroon nga iyon ng relasyon sa starlet na si Krista Miller.

 

vuukle comment

BONIFACIO ALENTAJAN

CESAR

CESAR MONTANO

JOEL FERRER

RAPE

SINASABI

SIYA

SUNSHINE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with