Raketeros pang may edad ang tinarget!
Na-appreciate ng moviegoers ang dalawang Tagalog comedy films na parehong maganda naman ang feedback. Ang Raketeros na pang 30 years old and above at ang Bakit Hindi Ka Crush ng Crush Mo? na pang-30 and below naman.
Nag-i-improve na ang mga pelikulang comedy natin ngayon. Bawas na ang kakornihan pero hindi pa rin maalis ang walang kamatayang song and dance number sa mainstream movies.
Nag-action comedy ang Raketeros dahil lima ang bidang lalaki at nagsama pa ng ilang supporting actors. Tama ang obserbasyon ng ilang moviegoers noong ipinapakita pa lang ang trailer ng ipinrodyus ng Heaven’s Best Entertainment ng Bautista siblings, nag-ala Hangover ang barkada nina Herbert Bautista, Long Mejia, Dennis Padilla, Andrew E., at Ogie Alcasid. Ganun nga ang pattern ng istorya ng Raketeros.
Ayos lang din dahil Pinoy na Pinoy naman ang kuÂwentuhan at batuhan ng jokes ng limang magkaÂkaibigan. At nakapagpa-relate sila sa mga kaedaran nilang moviegoers na matagal ding hindi nakapanood ng mga ganung pagpapatawa.
Medyo naging useless pa nga ’yung mga kabataan sa cast na lumalabas na mga anak na ng mga bida lalo na ’yung isang teen starlet na copycat ni Angelica Panganiban. Si Tippy dos Santos ang umangat sa kanila pero si Eula Caballero ang binigyan ng love interest at hindi siya.
Ang useful at magagandang tingnan sa big screen ay ang limang bar chicks/ sorority girls na piÂnangungunahan nina Sam Pinto at RR Herrera. Nakieksena rin si Regine Velasquez pero hindi masasabing kasing ganda siyang tingnan ng sorority girls na nag-party sa bar.
Parang pang-indie film naman ang ginawa nina Janice de Belen at Cherry Pie Picache na nagda-drama sa libing pero nagko-comedy sa gitna nila si Ogie.
Kung action-comedy ang Raketeros, romantic comedy naman ang handog ng Bakit Hindi Ka Crush ng Mo? dahil magka-love team ang kinuhang gumanap sa lead roles — sina Kim Chiu at Xian Lim. Oo na, pasado na ang dalawa sa una nilang pelikula. Keribels nila ang kani-kanilang karakter.
At least hindi napahiya ang blockbuster director nilang si Bb. Joyce Bernal na naunang naging eksperto sa mga rom-com. At hindi rin napahiya si Ramon Bautista na nagmadali yatang maisapelikula ang kanyang kauna-unahang libro.
Sayang at hindi napahaba ang kuwento ng bonÂding moments nina Kim at Xian bago sila naging magdyowa. Bitin kasi ang mga naipakita na nag-make over lang ang dalagang taga-Boso-Boso at nagsama sila ni Xian sa bar at sa tambayan ni Jireh Lim, ang nagpasikat ng Magkabilang Mundo, at pagkatapos nagka-inlaban na. Hindi ba puwedeng crush muna?
Ay, iba na pala ang henerasyon nila kaya ang dalagang Pilipinang si Kim ay tinawag na bakla kung magmahal dahil spoiled ang ex-boyfriend (hindi crush lang) niyang si Kean Cipriano. Hindi pa nagtatagal na wasak ay bumigay din si Miss Kulot sa kaparis niyang brokenhearted at confused na boss na si Xian. Happy nga naman ang kanilang ending.
Tulad ng Raketeros ay wala namang malalim na conflict ang Bakit Hindi... pero okay naman ang lahat sa cast at may aliw factor naman ang dalawang lokal na pelikula. Tawa-tawa na lang tayo ’pag may time. Kailangan natin ‘yun.
* * *
May ipare-rebyu? E-mail: [email protected]
- Latest