Rufa Mae naghihintay nang pakasalan ng kababatang bf
May bagong lalaking nagpapaligaya ngayon kay Rufa Mae Quinto na childhood sweetheart niya. Isa itong businessman.
Nasa tamang edad na siya para lumagay sa tahimik at type na niyang pakasalan siya ng present boyfriend.
May pelikulang ipalalabas ang aktres na isang action-comedy na may zombies, Ang Huling Henya, sa direksiyon ni Marlon Rivera.
Marian ayaw makialam sa career ni Dingdong
Nag-renew ng three-year exclusive contract si Marian Rivera sa Kapuso Network at sinabing magiging loyal siya dahil kung hindi dahil sa kanila ay hindi siya magiging Marian Rivera.
Taun-taon ay nagdiriwang siya ng kaarawan sa Child Haus sa mga batang may sakit na kanser.
Pero ang pinakamagandang regalo sa kanyang kaarawan ay ang makasama si Dingdong Dantes sa isang mala-paraisong lugar sa Bali, Indonesia para raw siya makapagpahingang mabuti.
Matapos ang kaarawan ay ilalatag na ng GMA 7 ang kanyang mga gagawing proyekto.
Malapit na ring mag-expire ang kontrata ni Dong sa Siete kaya tinanong si Marian tungkol dito. Ayon sa magandang aktres, pagdating sa career ay hindi siya nakikialam sa desisyon ng boyfriend.
- Latest