Lovi naniniwala sa Intsik, ipinagpaliban ang paglipat sa bagong bahay
Kusa pala na ipinagpaliban ni Lovi Poe ang paglipat sa kanyang bagong ipinatayong bahay somewhere in Quezon City dahil nga, ayon sa kanya, ang Agosto ay tinatawag na ghost month sa showbiz.
Ayon daw sa Chinese belief, hindi ideal ang mag-venture, including ang paglipat ng titirahan, sa buwan ng August. Bagama’t ’di raw Chinese si Lovi, gusto niyang sundin ang paniniwalang ito ng mga Intsik. Tutal nga naman, walang mawawala kung aayon siya sa paniniwalang ito.
Sa kanyang paglipat sa bagong bahay, ’di raw kasama ni Lovi ang kanyang mother who was once in showbiz, too. May sarili rin daw itong bahay kasama ang kanyang pamilya.
Dalawang projects na tinapos niya ang excited si Lovi na maipalabas na. Una ay ang indie film na Lihis with Jake Cuenca at Joem Bascon which, alam daw niyang if commercially mai-release ay maraming interesadong manood, at ang ikalawa ay ang weekly series niyang Titser.
Maricel bumabawi ng kayod
Maricel Soriano, no doubt, is making up for lost time.
If in the past year ay ’di siya busy, dala obviously ng controversy involving her sa series which she was supposed to do with ABS-CBN co-starring with Gerald Anderson sana, these days masasabing busy as a bee na ang Diamond Star.
Tapos na tapos na ang movie na Oh My Mama Mia, her first film with Viva Films, co-starring her with Gabby Concepcion, Andi Eigenmann, and Billy Crawford, and directed by Wenn Deramas.
Maliban nga pala kay Gabby, with whom as a former co-Regal Baby ay nakasama na niya sa ilang pelikula, sina Andi at Billy ay first time niyang makatrabaho. Ganun din si Direk Wenn, na openly ay ina-admit na fan siya ni Maricel.
Direk Wenn though never abused his paghanga kay Maricel, who proved a professional during the entire filming of Oh My Mama Mia.
No wonder that the two are working together anew in the co-produced movie ng Star Cinema at Viva Films, Girl, Boy, Bakla, Tomboy, topbilled by Vice Ganda.
The film is an entry in the December Metro Manila Film Festival where last year Vice Ganda’s Sisterakas with AiAi delas Alas and Kris Aquino emerged top grosser.
Will history repeat itself?
‘‘I’m keeping my fingers crossed,’’ sagot ni Direk Wenn who, by the way, was also the director of Sisterakas.
QCGH hindi matatawaran ang serbisyo
Allow us, Salve A., to thank on behalf of fellow PM columnist and friend Letty Celi ang mga personality na nag-asikaso sa kanya habang naka-confine siya due to diabetes sa Quezon City General Hospital (QCGH) na ang facilities at serbisyo ay hindi matatawaran.
Kabilang ang director ng QCGH na sina Dr. Antonio Cabigas; Patricia Lim, secretary ni Dr. Cabigas; Department of Social Welfare and Development (DSWD) head ng QCGH na si Veneranda Leal; at Ma. Alma Maderasco.
Special thanks to Dr. Donna Ricca Hornilla who persoÂnally attended to Manay Letty. A graduate of the UST Medical School, 26 years old lang si doktora.
And most of all, sincere thanks din sa buong pamunuan ng Philippine Movie Press Club (PMPC) headed by Fernan de Guzman, and of which Manay Letty is an officer as well; kay Quezon City Herbert Bautista; kay Tates Gana, ang First Lady ng QC, who personally arranged an ambulance for Manay Letty from her house in Sta. Rosa, Laguna para madala si Manay Letty sa QCGH; kay Linda Rapadas, also of the PMPC; at Imelda Papin.
‘‘Sadyang masuwerte ka kapag may mga kaibigan kang tulad nila. God is good na binigyan niya ako ng mga kaibigang katulad nila,’’ ang taimtim sa pusong saad ni Manay Letty.
- Latest