^

Pang Movies

3D animator na espesyalista sa mga karakter sa Smurfs, Independence Day, at 2012 galing Davao

MASA...RAP - Ernie Pecho - Pang-masa

Ang Davao-born na si John Butiu kasali sa lumikha ng 3D look ng Smurfs 1 and 2. Isa siyang visual development artist, specializing in three dimensions.

Ngayon sa palabas na Smurf 2, siya ang lumikha ng character na Clumsy Papa Smurf at sa isang generic Smurf character na puwedeng gamitin kahit saang eksena sa pelikula.

Ilan sa credits ni Butiu ay ang Indepen­dence Day, Lord of the Rings, The Day After Tomorrow, at 2012.

Bading na naghihikahos na inagawan pa ng poging alaga na mag-aartista sana

Nadatnan ng showbiz columnist na humahagulgol ang amigang rich bading sa kanyang magarang bahay.

Nasa financial crisis pala ang matronang baklesh at lubog sa utang. Pati sa friend niyang daughter ng isang producer, hindi na siya makahiram ng pera. Ang kanyang landline putol na dahil hindi siya nakabayad sa PLDT.

To top it all, isa-isa nang lumayo sa kanya ang mga poging alaga. Ang latest, naahas na ng beking talent scout ang isang teenager na balak nang mag-artista. Naghahanap na ng mahihiram na baril ang nilayasang bading upang sugurin ang nang-agaw na manager.

Naku, huwag mare! Baka ma-front page ka pa sa PM!

Aktres nag-iinarte, ayaw magpakasal sa dyowa pero humiling ng mamahaling engagement ring

Kahit matagal na ang relasyon ng dalawang artista, laging sinasabi ng aktres na hindi pa siya handang magpakasal. Ang partner naman niya, naiinip na. Upang makatanggi, humiling ng expensive engagement ring ang girl.

Baka magulat ang pakipot kapag naibigay na ang mamahaling sing­sing sa kanya. Meron namang ipong pera ang guy kaya makakabili siya ng diamond ring kung gusto niya. Babawasan muna ang dapat na ipagpa­patayo ng kanilang bahay.

Melanie Marquez pinagbigyan ang kaibigan, rarampa uli!

Matagal nang hindi napapanood sa isang fashion show si Me­la­nie Marquez kaya marami ang nagulat na siya ang maging finale sa 30th anniversary show in Criselda Lontok for Rustan’s.

Naka-opera coat ang da­ting Miss International/Super Model of the World na ang nasa loob ay isang fitting gown. Tulad ng dati, walang kaparis ang pag­rampa ni Melanie at kinabog ang lahat ng mga sikat na modelo na nasa show.

Ang former actress/model/beauty queen ay nakatira sa Utah, USA at nag-aalaga ng mga baka at ibang hayop sa rantso ng kanyang American husband.

Nagkataon na nasa bansa si Melanie at kanyang mister bago mag-show si Criselda kaya’t kinontak siya at pumayag agad. Hindi na pinag-usapan ang presyo.

“Basta anniversary show, go ako. I just want to make people happy. I’ve done similar shows with Ben Farrales and Pitoy Moreno,” sabi ni Melanie.

Writers tambak sa credits ng teledrama pero paglaylay ng istorya parang nakatulugan

Ang daming tao sa credits ng mga sumusulat ng istorya at script ng mga teledrama. Lagi nating nababasa ang mga writer. Meron pang headwriter. Kasali rin ang creative supervisor, creative head, at ang creative director.

Nakapagtataka lang kung sa bandang gitna ng dating isang kapana-panabik na teleserye ay lumalaylay na sa bandang gitna ang istorya. Baka naman nakakatulog lahat ng creative minds na nakalista sa bandang en­ding at palabas!

BEN FARRALES AND PITOY MORENO

CLUMSY PAPA SMURF

CRISELDA LONTOK

DAY AFTER TOMORROW

JOHN BUTIU

LORD OF THE RINGS

MELANIE

MELANIE MARQUEZ

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with