^

Pang Movies

Dahil kay ate Vi Aga at AiAi sasabak na rin sa indie film!

YSTAR - Baby E - Pang-masa

Batangas Governor Vilma Santos’s appearance in an indie movie dubbed Ekstra: The Bit Player seems to be starting a trend among big stars in local showbiz.

Already, may ilan na ring box-office stars, yes, tulad ni Ate Vi, who would want to try the genre. But, like her, they want muna na mabasa ang script ng pelikulang ino-offer sa kanila. And, of course, kung sino ang director.

Did we hear it right na AiAi delas Alas is willing to try the genre? Ganun din daw si Aga Muhlach.

Ayon kay Atty. Joji Alonso, who owns Quantum Films, producer of Esk­tra, tatlong taon ding “ligawan’’ at kung ilang scripts din ang ipinabasa niya kay Ate Vi bago ito pumayag na gumawa ng indie movie for her film firm.

‘‘When I was represented the script of Ekstra, na-in love ako kaagad sa story at script. Lalo na sa role na aking gagampanan.

‘‘Imagine, bukod sa challenging for me ang role, the film will somehow be a tribute to the ‘unsung’ heroes ng showbiz? And how many are they in the business?

‘‘Aminin na natin, na bukod sa mga bida at supporting players ng isang pelikula, o TV show at series, hindi ito mako-complete kung walang ekstra,’’ pahayag ni Ate Vi.

Ang maging ekstra ay isang role na ’di naranasan ng Star For All Seasons. She was, after all, a bida kaagad sa kanyang first movie, Trudis Liit, followed by Ging.

At almost 13 years old, naka-team up na niya si Edgar Mortiz.

Known, among their following especially, as the Vi and Bot tandem, they teamed up in films which were all money makers.

And the rest, sabi nga mismo ni Ate Vi, is history.

In her half a century bilang aktres, nakasalamuha na niya ang lahat ng klase ng ekstra. Mga ekstrang hanggang sa kanilang pagtanda ay nanatiling ekstra pa rin. Ilan daw nga sa mga ito, pati mga anak ay lumalabas na ekstra rin sa ilang pelikula niya.

For her role in Ekstra, kusang dini-glamorize ni Ate Vi ang kanyang sarili. Ni bahid ng makeup ay wala siyang ginamit kapag humaharap siya sa ka­mera.

Pati nga damit na isinuot niya ay iniakmang lahat sa role na ginampanan niya.

Suwerteng itinuring ni Direk Jeffrey Jeturian ang finally makatrabaho si Ate Vi sa isang pelikula. In the past, when he was just a set designer, of course, may mga pelikula si Mayor Vi then na puwedeng sabihin niyang pinagsamahan nila. Ganun man directing her finally in a movie project is a dream come true for him.

‘‘When we were working on Ekstra madalas na­ririnig kong sinasabi ni Direk Jeffrey kay Atty. Joji na okay lang kung hindi siya manalo ng award in the movie basta lang daw masiguro niyang sa akin mapunta ang best actress,’’ kuwento ni Ate Vi.

Na siya ngang naganap, as we all know, sa katatapos na awards night ng Cinemalaya Independent Film Festival. Ate Vi romped away with the best actress trophy for her first indie film!

Other awards won by the movie included best screenplay for Direk Jeffrey and co-writers Zig Dulay and Antonette Jadaone. The NETPAC award went naman to producer Atty. Joji. Sila rin ang Audience Choice awardee.

Ekstra might as well be cited, too, as the only movie na maraming important guest stars bukod pa kina Piolo Pascual, Marian Rivera, Eula Valdez, at Richard Yap.

‘‘Ako ang nakiusap kay Direk Jeffrey na mag-guest naman sa Ekstra si Papa Chen o Ser Chief.

‘‘Tagahanga ako ng series na Be Careful With My Heart. At alam kong si Direk Jeffrey ang director ng series.

‘‘Labis akong nagpapasalamat kay Ser Chief at pinagbigyan niya ang hiling ko.

“Maraming salamat din sa lahat ng mga artistang nagbigay ng kanilang oras para makalabas lang sa Ekstra. Kasama na, of course, sina Direk Joey Reyes at Marlon Rivera, who both appeared as themselves (directors) sa pelikula.

‘‘At bago ko nga pala makalimutan, maraming salamat sa Star Cinema for agreeing to distribute Ekstra in theaters nationwide,’’ sabi ni Ate Vi.

Ekstra will hit the theaters on Aug. 14.

 

AGA MUHLACH

ATE

ATE VI

AUDIENCE CHOICE

BE CAREFUL WITH MY HEART

BIT PLAYER

DIREK JEFFREY

EKSTRA

SER CHIEF

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with