^

Pang Movies

‘Itinakwil na po ako. So, in other words, wala na kayong karapatang tanungin ako tungkol sa Barretto family’: Gretchen nagtaray nang tanungin tungkol kay

Mary Rose G. Antazo - Pang-masa

MANILA, Philippines - MANILA, Philippines - Marami ang nagulat sa mga naging pahayag ng aktres na si Gretchen Barretto nang hingan siya nang komento ukol sa pinagdaraanan ngayon ng kapatid na si Claudine Barretto-Santiago. Kamakailan kasi ay humingi pa ng TPO (Temporary Protection Order) ang youngest sis nila laban sa kanyang asawa na si Raymart Santiago dahil sa diumano’y pang-aabuso nito. Ipinaalala pa ni Gretchen na itinakwil na siya ng kanyang ina na si Mommy Inday.

“Itinakwil na po ako. So, in other words, wala na kayong karapatang tanungin ako tungkol sa Barretto family dahil I’m not part of that family anymore. Right now, my family is Tony (her live-in partner) and Dominique (daughter), Marjorie and Jayjay and the rest of my siblings. Mahirap namang ipilit ang sarili ko sa mga ayaw sa akin,” paunang sabi ni La Greta.

Pakiusap pa nito ay huwag na silang idawit pa ng kapatid niyang si Marjorie sa isyu ni Claudine.

“Tahimik na rin po ang buhay ko. Kung nano-notice n’yo naman po, puro career na lang at pamilya ko or anak ko ang pinagtutuunan ko ng pansin. Huwag na nating isali ako at si Marjorie sa mga gulong hindi naman na kami dapat kasali pa,” dagdag na pahayag pa ng napakagandang si Gretchen.

Sa ngayon ay ang focus niya ay sa kanyang pag-aalaga sa kanyang “real” family.

“I think I learned the big lesson na lumayo na lang para walang gulo. ’Di ba kapag walang sinasabi, wala ng problema? Mahirap ang mga gulu-gulo, masaya na ang buhay natin,” sambit pa ng aktres.

Sa kabila ng mga intrigang kanyang pinagdaraanan, ano nga ba ang kanyang mga dasal?

“Ang pinagdaanan ko hindi madali. ‘Yung pang-iinsulto sa pagkatao ko, sa kredibilidad ko, napakasakit. Alam n’yo iyon, hindi ko na kailangang sabihin iyon,” sagot ng aktres.

“Bakit ba kailangang paulit-ulit tinatanong ang hindi dapat itanong? What for, para masaya kayo at bahala na ako? That’s not right. Pati prayers ko pakikialaman n’yo? Bakit? Artista ako, that’s all I can give you.”

BAKIT

CLAUDINE BARRETTO-SANTIAGO

GRETCHEN

GRETCHEN BARRETTO

LA GRETA

MAHIRAP

MARJORIE AND JAYJAY

MOMMY INDAY

RAYMART SANTIAGO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with