Dalawang aktor magpapakasal na sa US, lady produ ninang!
Totoo kaya na may magaganap na wedding sa isang siyudad sa US na same sex (boy and boy) na kilalang-kilala sa TV and movie world ang name nila?
Ang isa sa kanilang sponsors ay isa ring sikat na lady movie producer. Galing! Congratulations!
Claudine kailangang magbakasyon para makapag-muni-muni
Huwag namang magagalit si Claudine Barretto, suggestion lang naman ito, magbakasyon ka na muna sa showbiz para makapagmuni-muni. Masyado nang magulo ang buhay mo. Tadtad ng intriga. Habang naka-leave ka from showbiz, mag-aral ka ng kahit anong gusto mo para hindi rin boring ang pag-iisa mo.
Wake up na, Claudine! Sayang ang future mo sa showbiz. Nakakasawa na ang balitang family feud at ngayon pati kay Raymart Santiago.
Randy nasiyahan sa nabuong comedy film
Saludo kami kay Randy Santiago dahil sa magandang pagkakagawa niya Raketeros, ang first movie venture ng magkakapatid na sina Mayor Herbert, Hero, at Harlene Bautista sa ilalim ng kanilang family movie outfit. Lead stars sa comedy film sina Mayor Herbert, Long Mejia, Dennis Padilla, Andrew E., at Ogie Alcasid.
Hinanap pa ni Bistek si Randy dati para magdirek ng Raketeros at sa US siya nakontak. Agad siyang pinauwi ng producers (Bistek at Harlene). Ayaw pa ngang tanggapin ni Randy ang project dahil kabado siya sa tagal ng panahon nang yumao ang tatay niyang si Direk Pablo Santiago kung saan siya unang naging assistant director sa ilang pelikula. Pero hindi siya tinantanan ng magkakapatid na Bautista hangga’t ’di siya napasagot ng oo.
Super happy naman ang singer-TV host at komedyante rin nang mapanood ang kabuuan ng pelikula dahil walang patlang ang mga comedy scene at magagaling na komedyante ang mga artista niya.
Nasiyahan din ang mga producer kaya ilalatag na nila ang second project na ididirek uli ni Mr. Shades.
Pabati…
Huli man daw at magaling ay makakahabol pa rin. Para sa Lady Dean of Entertainment Writers, kay Ms. Ethel Ramos, happy, happy birthday! We love you!
- Latest