Pinoy may tsansa sa international choral competition
MANILA, Philippines - Matapos ang tagumpay ng mga Pilipinong mang-aawit sa YouTube at ReaÂlity TV sa Inglatera at Amerika, eto’t ang mga Aleman naman ang nais itamÂpok ang pinakamagaling na mga koro dito sa atin.
Nagtatawag na ang Manila Broadcasting Company (MBC) para sa qualifying auditions ng Sing n Joy Manila, ang international choral competition na gaganapin sa ating bansa sa katapusan ng taon, sa pakikipagtulungan ng Interkultur Germany (na siyang nagtatanghal ng World Choir Games), ng Philippine Choral Directors Association (PCDA), at Globe Telecom. Ang auditions ay gagawin sa ika-10 at 11 ng Agosto mula alas-nuwebe ng umaga hanggang alas-singko ng hapon sa Aliw Theater, Pasay City. Sa Agosto 17 naman sa Baguio City; Agosto 24 sa Cebu; Agosto 31 sa Davao; at ika-7 ng Setyembre sa Iloilo.
Inaanyayahan ang mga batikang children’s choir, mixed chorus, all-male, at all-female choirs na lumahok upang makuha ang mga entry slots para sa Filipino choirs na gagawaran ng MBC ng subsidy sa pagsali. Lahat ng mga naging kampeon ng MBC National Choral Competition mula 2007 hanggang 2012 ay inanyayahang pumasok sa contest proper.
Gaganapin sa Disyembre 11-15 ang Sing n Joy Manila, na magtatampok sa magagaling na mga choral group mula sa iba’t ibang bahagi ng mundo. Bukas ito sa mga non-professional ensemble na gustong lumahok sa labanan ng classical, folkloric, pop-jazz, at sacred music. Magkakaroon din ng mga friendship concert sa iba’t ibang mall, at mga workshop sa ilalim ng mga tinitingalang choral directors na sina Kirby Shaw (USA) at Jonathan Velasco (Philippines)
Bronze, Silver, at Gold Certificates ang igagawad sa bawat kategorya. Ang mga choir na may pinakamataas na score ay maglalaban-laban sa Grand Prix, kung saan ang over-all winner ay mag-uuwi ng limang-libong dolyar at ng championship trophy.
Matatagpuan ang mga detalyadong guidelines ng Sing n Joy Manila sa website na www.interkultur.com. Ang mga nais mag-audition ay maari na’ng humingi ng registration form at mechanics sa paÂpaÂmagitan ng email sa [email protected].
Para sa regional auditions, makipag-ugnayan sa 0917-5002109 (Baguio); 0917-6273018 (Cebu); 0917-7040527 (Davao); 0939-9090191 (Iloilo); at 0932-2875550 (Manila). Ang mga choir na hindi maÂkakapag-audition ay maaring mag-apply ng deÂretso sa Interkultur sa pamamagitan ng kanilang website.
Kung sina Nanette Inventor, Ogie Alcasid, at Gary Valenciano ay tinatanaw ang malaking papel na ginampanan sa kanilang musicianship ang pagiÂging bahagi ng choir noon, hindi malayong ganito ang landas na tahakin ng ilang mang-aawit na galing sa batikang choir dito sa atin!
- Latest