Heart nabawasan na ang problema sa magulang
Hindi kami magtataka kung bakit maganda ang aura ngayon ni Heart Evangelista. Bukod sa ratsada ang career ng aktres, lalo na sa hosting job, ay stable pa rin ang relasyon nila ni Sen. Chiz Escudero. Higit sa lahat, nagkasundo na rin sila ng kanyang amang si Rey Ongpauco. Nauna na rito, sinabi ni Heart na nami-miss na niya ang kanyang daddy na hindi niya kinibo ng ilang buwan.
Pero ngayon ay ayaw mag-comment ni Heart kung paano nangyari ang reconciliation sa kanilang dalawa.
Sinabi ni Heart na wala siyang pinagsisisihan sa kanyang ginawa at nakayanan niyang panindigan ang isang bagay na naging maganda naman ang resulta.
Kung matatandaan ay nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan sa pagitan ng aktres at ang kanyang magulang noong nakaraang Mayo nang magpatawag ang mga ito ng presscon at sinabing hindi sila pabor sa relasyon ni Heart kay Sen. Chiz Escudero.
Ryzza Mae naghahanap ng mabibiling condo
Natutuwa kami para kay Ryzza Mae Dizon. Sa murang edad ay nakapagpundar na agad ito ng kabuhayan. Siyempre sa gabay ng kanyang ina. Higit sa lahat suwerte at napunta siya sa mapagpalang kamay ni Mr. Tony Tuviera at ng Eat Bulaga production.
Nakabili na ang child star ng bahay at lupa sa Angeles City para sa kanyang pamilya. Dahil may kalayuan ito ay hahanap sila ng bahay na malapit na titirhan ni Ryzza Mae para hindi siya malayuan at mahirapan sa biyahe.
Natutuwa kami sa bata dahil sa magandang pagpapalaki sa kanya ng kanyang magulang. Marunong siyang gumamit ng po at opo. Marunong magbigay galang sa nakatatanda, mag-excuse, at magpasalamat.
- Latest