^

Pang Movies

Piolo kakarerin ang int’l triathlon bago mag-kuwarenta

MASA...RAP - Ernie Pecho - Pang-masa

Kailangang tumigil sa pag-aartista si Piolo Pascual upang matupad ang kasalukuyan niyang ambisyon.

Dapat kasi kumpletong oras ang ilalaan sa training upang maging competitive sa triathlon. Tulad ni Richard Gomez, seryosong sportsman si PJ. Marami na siyang sports na pinasukan. Noon nga’y lalahok sana siya sa Berlin Marathon. Nagkataon naman na marami siyang showbiz commitments noong dapat ay papunta na siyang Germany. Hindi siya nakalabas ng bansa. Pati ang plane ticket hindi na-refund ang ibinayad. Higit na nakakapanghinayang ang maghapong panahon ng pagsasanay niya upang nasa kondisyong tumakbo sa Berlin Marathon.

Dahil sanay na siya sa pagtakbo, nakatuon siya sa biking ngayon. Kapag naabot na niya ang lahat ng requirement sa bicycle race, sa swimming naman ang concentration niya upang gawing very competitive sa tatlong disiplina ng triathlon.

Gusto ng actor, makalahok sa isang malaking triathlon event bago siya maging 40 years old, which is four years from now.

Gay executive hindi makadikit sa secret love na guwardiyado ng mga magulang

Bulong ng isang tauhan niya mismo sa network, mukhang masisira ang pagka-Lydia de Vega sa mga menchu ng gay executive sa matagal na niyang pinagnanasaang young actor.

Noon pa pala naglalaway ang influential baklesh sa actor. Hindi lang siya makakilos na tila nakagapos ang mga kamay at naka-masking tape ang bibig. Afraid kasi siya sa mader ng pogi, na kilalalang matapang na gerera!

Nag-iingat din siya sa father ng actor, na taga-network mismo ang nagbabantay sa artista, na bawat detalyeng nangyayari ay naka-report sa protective dad.

Kahit sa panliligaw stage ay hindi maka-abante ang mabilis sa kidlat na bading. Meanwhile, mukhang kasama na sa kanyang plano ang patuloy na bigyan ng magagandang projects ang kanyang “secret love”.

Dj Durano kumakayod na uli

Magandang balita na manager ni DJ Durano si Noel Ferrer. Simula pa lang ng trabaho ni Noel, very visible uli ang Cebuano na balak din pumasok sa pulitika sa kanilang probinsiya, tulad ng karamihan sa kanyang angkan.

Katatapos pa lang ni DJ ng Ang Huling Henya, as the father of Rufa Mae Quinto na forever young. Kung paano siya hindi tumanda, isa sa funny situations sa Ang Huling Henya.

To be fair with DJ, he had always been sweet the few times we personally talked to him. Hindi ko na kailangang magsalita tungkol naman sa dati niyang director-friend.

Jed saksi sa nagkalat na medalya sa WCOPA

Mula sa salaysay mismo ng mga Pinoy artist na nakasali sa WCOPA (World Championships of Performing Arts) sa Hollywood, hindi maaring sabihin na sila’y nagwagi kung nabigyan ng mga gold or silver medal.

“Halos lahat naman ng contestants, bibigyan ng medalya na pampalubag loob,” kuwento ng isang WCOPA alumna. “Kung ikaw ay naging winner man lang sa isang division, or better still a grand cham­pion, nanalo ka talaga. Sa layo ng nilakbay upang mag-participate roon, konsuwelo de bobo na kahit isang medalya may ipagmamalaki ka.”

Kaya hindi naman pala dapat binibigyan ng sob­rang media exposure ang patung-patong  na me­dal­ya sa WCOPA. Tanungin ninyo si Jed Madela, na first Pinoy grand champion doon, kung ano ang say niya sa mga nagkalat na medalya.

Sina Beverly Caimen ang nanalong Senior Grand Champion Performer, with Aldeza Ianna dela Torre as the Junior Grand Champion Perfor­mer; both from Team Philippines.

Sila ang mga tunay na kampeon sa 2013 WCOPA, known as the Olympics of Performing Arts. Ang mga kalahok ay mula sa 50 o higit pang mga bansa.

 

vuukle comment

ALDEZA IANNA

ANG HULING HENYA

BERLIN MARATHON

DJ DURANO

JED MADELA

JUNIOR GRAND CHAMPION PERFOR

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with