^

Pang Movies

Carla pinapantasya na si Solenn

MASA...RAP - Ernie Pecho - Pang-masa

Ang gustong maka-partner ni Carla Abellana kapag tinanggap niya ang isang lesbian role, si Solenn Heussaff. Pareho silang mukhang babaeng-babae na sexy model. Sino kaya ang magiging menchu at sino ang magpapa-girl?

Ang mga tiboli naman, hindi kailangang magmukhang maton upang masabing lesbian. Meron nga kaming nakitang pareho ring sexy pero may girl-to-girl relation. Never din namin silang nakitang nagsuot lalaki o nagkaroon ng tattoo.

Amy nagtitipid para sa mga anak pero Olive oil ang gamit na pamprito!

May mga write-up na nagsabing matipid o Madam Curie (kuripot) si Amy Perez. Palagi siyang nag-iipon para sa future ng kanyang mga anak.

Lalo na ngayon na may balitang tsutsugihin ang Face to Face, higit na kailangang magtipid ang TV host na ang ginagamit na pamprito ay extra virgin olive oil! Pagtitipid ba ’yon eh ang mahal nito, kahit maliit na bote lang?

Minsan nga may napanood kaming isang TV show na nakabasag ng maliit na bote ng olive oil ang isang tauhan. Very worried siya kung paano babayaran ang kanyang nadisgrasyang produkto.

Direk Brillante at Sen. Loren natakot sa mga sindikato

Sa labinlimang minutong panonood ng kabuuan ng bagong instructional film/video na Ligtas, gawa nina Sen. Loren Legarda at Direktor Brillante “Dante” Mendoza, nakita at natutuhan ang halos lahat ng mga paalala upang makaligtas sa mga natural calamities tulad ng bagyo, baha, landslide, lindol, at tsunami.

Kahanga-hanga kung paano naisiksik ang sapat na kaalaman sa disaster risk reduction (DRR) upang magkaroon ng zero casualty sa mga kalamidad. Sa salaysay ni Direk Mendoza, gumamit sila ng mga file video, pero kailangan pang i-recreate ang ibang tagpo, na kailangang makita sa kapaki-pakinabang na audio-visual aid. Lahat ng mga taong nakita sa Ligtas, pawang mga involved sa mga sakuna, either victims o kaya’y nakatulong sa pagliligtas ng mga buhay, kabuhayan, at maraming ari-arian.

Bukod sa mga sinehan, ipapalabas ito sa colleges, universities, at high and elementary schools, both public and private.

Malaganap na ipapamahagi pa sa mga guro, mga opisyal ng barangay, at mga mamamayan mismo, upang laging mapanood ang Ligtas, na laging magpapaalala sa atin upang makaiwas sa sakuna. Puwede pang i-upload sa Internet ang ligtas at malayang makokopya o makagagawa ng maraming kopya upang maipamigay.

Pagkatapos ng pangalawang collaboration nina Sen. Loren at Direk Dante, balak nilang gumawa ng buong pelikula sa human trafficking. Makabuluhan at napapanahon ang tema pero may bantang panganib ang gamitin ito sa isang full-length movie.

Kaya naman si Sen. Loren, pinigilan agad si Direk Dante na mag-elaborate nang husto sa kanilang next project.

‘‘Huwag ka munang magkuwento,’’ babala ng senandora para sa kaligtasan ng premyadong director. ‘‘Mahirap na at baka maging target ka ng sindikato.”

Indie actor nangungutang ng pambayad sa hotel kuno at nagpanggap na nasa Mindanao, nasa Manila naman pala

Maraming mga indie actor ang gumagawa ng kapalpakan kapag nakapasok na sa industriya. Karaniwan kasi sa kanila mga promdi na gustong umasenso.

Meron nga akong nakilalang aktor sa isang indie shoot na after a few days lang ay nakikiusap na mag-deposit ako ng pera sa kanyang bank account dahil hindi sila nakabayad ng bills ng kanyang girlfriend sa isang tinuluyang hotel in Mindanao. Nalaman ko sa isang kaibigang director na nasa Maynila lang pala at katatapos lang maghubad-hubad sa shooting!

Ngayon ay merong isang indie actor na nanghiram ng kotse sa rich baklesh upang gamitin lang sa location shooting. Apat na araw ang usapan at ibabalik ang sasakyan. Dalawang linggo na ay hindi pa naisosoli ang kotse.

Kaya naka-report na sa pulis at NBI ang nagtangay ng kotse. Kapag hindi pa niya naibalik ang hiniram, mabibigyan na siya ng warrant of arrest at baka mademanda pa ng carnapping!

vuukle comment

AMY PEREZ

CARLA ABELLANA

DIREK BRILLANTE

DIREK DANTE

DIREK MENDOZA

DIREKTOR BRILLANTE

ISANG

LIGTAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with