Sen. Loren walang kontra sa pagsusuot ng uniform
Willing si Sen. Loren Legarda na maki-cooperate sa suggestion ni Sen. Miriam Defensor-Santiago na magkaroon ng uniform ang mga legislator para sa State of the Nation Address (SONA). Ang kontrobersiya sa fashion show sa SONA ang itinanong kay Mama Loren ng mga reporter na dumalo sa special preview ng kanyang 17-minute documentary film, ang Ligtas. Heto ang pahayag ni Mama Loren:
“I can only speak for myself na ang isinuot ko ay halos zero cost dahil hand-me-down ’yung Bagobo na skirt at yung aÂking T’boli bells belt ay luma na. Pero ako’y sang-ayon dun. Siguro ang magandang gaÂwin natin ay i-amend natin ’yun, kung meron mang resolution, to include a provision on the compliance with the Tropical Fabric Law para ang suot ay Philippine-made mula sa ating mga indigenous fabric.
“It would be less expensive, parang ’yung kahapon (Monday) na suot ko, humiram lang ako sa staff ko na taga-Cordillera, ’yung Gaddang skirt. Nung hapon naman bigay ng mga Bagobo na antigo na tela na ni-wrap ko lang.
“Maaari tayong mag-innovate para hindi kailangan mahal. Ang punto ko kahapon, hindi ka kailangan gumastos ng malaki, o hindi kailangan gumastos at all para maging attractive, para maÂging maganda. You can make a statement by wearing something authentic, something old, something meaningful, something relevant. It’s my ‘fashionalism’ —fashion and nationaÂlism.
“Kaya kung meron mang resolution si Sen. Santiago ay maybe I will join her para ang ating magiging thrust ay ‘fashionalism.’
“Maaari kang pumili sa iba’t ibang mga indigenous group kung ano ang type mo. Kung gusto mong Maranao, kung gusto mong taga-Cordillera.
“I offer to be the pro bono designer. I offer my services as an in-house designer kung magkakaroon ng uniform.
“Yes, maraming magarbo (sa mga mamÂbabatas) kung kaya naman nila maging magarbo. Pero kung gusto natin talaga ng statement na hindi gagastos halos ay maaari nga magkaroon ng regulations at magandang regulation ay gawin nating akma sa Tropical Fabric Law.
“In fact, hinihikayat ko lahat ng aking kasamahang senadora at senador na tuwing Lunes ay sundin natin ang Tropical Fabric Law, ’yung mga lumang barong, lumang mga telang katutubo ay gamitin natin tuwing Lunes. Mahalin natin ang sariling atin, mahalin natin ang ating kultura,†mahaba niyang paliwanag.
- Latest