^

Pang Movies

Lea umamin, tinatablan pa rin ng kilig sa kaguwapuhan ni Aga!

- Vinia Vivar - Pang-masa

Aliw ang guesting ni Lea Salonga sa Gandang Gabi Vice last Sunday. Dito ay inamin niyang si Aga Muhlach ang kanyang favorite leading man na dalawang beses na niyang nakapareha sa mga pelikulang Bakit Labis Kitang Mahal at Sana Maulit Muli.

Ayon kay Lea, napakasarap katrabaho ni Aga at masyadong generous as a leading man. Napakabait din na tao ng aktor.

Nang tanungin ni Vice kung kinikilig ba siya kay Aga, balik-tanong ni Lea sa kanya, “Tao ka ba?”

Leah’s point is kahit sinong babae (o bading na rin) ay kikiligin sa mga guwapong lalaki.

“’Pag nakakita ka ng guwapo, kahit na sinong guwapo, mayroong tumitibok nang kaunting bilis ng puso mo. ’Yung konting-konti lang,” pag-amin niya.

“So, when you have Aga Muhlach, one of the most ridiculously, inhumanly, good-looking men (at this point ay ipinakita sa screen ang napakaguwapong picture ni Aga), so when you have that in front of you, sinong hindi kikiligin niyan?

“Kung hindi ka kikiligin diyan, manhid ka na,” saad pa ni Lea.

In fairness, oo nga naman!

Sarah magse-celebrate ng birthday sa Hawaii ng walang kasamang magulang

Nasa music stores na ang latest album ni Sarah Geronimo na pinamagatang Expressions at mismong ang Pop Princess ang line producer nito for Viva Records kaya naman tutok na tutok siya habang ginagawa ang album.

First time ni Sarah na maging line producer ng kanyang album at Expressions ang napili nilang title dahil pawang mga kantang nagpapakita ng nararam­daman niya sa kasalukuyan ang lahat ng kantang nakapaloob dito.

Mula sa umpisa ng production ay kasama si Sarah. Nagbibigay siya ng opinions and suggestions na pinakikinggan ng Viva Records.

Maging sa pictorial at sa mga susuutin niyang damit ay may say ang pop superstar. Namili siya ng mga simpleng mga damit lang sa pictorial na babagay sa Expressions. Karamihan din sa mga kantang kasama ay original at may ilang sinulat si Sarah.           

Matagal-tagal na ring walang album ang singer-actress. Almost eight months ago na nang ilabas ang kanyang Pure OMP Classics na hanggang ngayon ay malakas pa rin ang benta sa mga record store.

Bukod sa album na ito, sure na rin ang kanyang major concert for this year. Gaganapin ito sa Nov. 15. Ang venue, pinag-uusapan pa.
Excited na siyempre si Sarah sa nasabing concert dahil major pasabog din ang gagawin niya. Pramis ng Viva Concert na siyang producer ng concert na mas bongga ito sa 24/SG.

Kasalukuyang nasa Hawaii si Sarah para mag-celebrate ng kanyang 25th birthday. Pero hindi sina Mommy Divine at Daddy Delfin ang kasama niya. Sino kaya?

Anyway, isa pang ini-enjoy ni Sarah sa kasalukuyan ay ang kanyang pagi­ging coach sa The Voice of the Philippines.

Sa paggawa ng pelikula, before the end of the year ay malamang na may pelikula siyang ipalalabas. Pero inaayos pa kung sino ang makakasama niya.

Kim makakakuha ng dating tips kay Xian

Sa mga nakaka-miss kay Kim Chiu and Xian Lim after Ina, Kapatid Anak, sa big screen naman sila mapapanood ngayon sa comedy film na Bakit Hindi Ka Crush ng Crush Mo? Ito ay bahagi pa rin ng 20th anniversary ce­lebration ng Star Cinema.

Ang Bakit Hindi ka Crush ng Crush Mo? ay base sa self-help book na sinulat ni Ramon Bautista, a witty but funny “self-help” movie tampok ang kuwento ng masipag ngunit “ugly duckling” na empleyado na si Sandy Veloso (Kim) at ng mayaman at pogi niyang boss na si Alex Prieto (Xian).      

Mula sa isang kakaibang engkuwentro, mapapasok ang mag-amo sa isang kasunduan — tutulungan ni Sandy si Alex na mapatakbo ng maayos ang kanilang kumpanya, samantalang tutulungan naman ni Alex si Sandy na malaman ang “game of dating and relationships” upang muling makuha ang loob ng ex-boyfriend na si Gardo (Kean Cipriano) at nang hindi na ma-heartbroken kahit kailan.

Bukod kina Kim at Xian, tampok rin sa movie adaptation sina Diane Medina, Jojit Lorenzo, Ryan Boyce, Lilia Cuntapay, Tonton Gutierrez, at ang author mismo ng libro na si Ramon.

Showing na sa July 31 ang pelikula, mula sa direksiyon ni Bb. Joyce Bernal.

vuukle comment

AGA MUHLACH

ALEX

ALEX PRIETO

CRUSH MO

SARAH

VIVA RECORDS

XIAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with