^

Pang Movies

Baron nag-e-emote sa korte

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Umapela sa korte noong nakaraang July 17 ang aktor na si Baron Geisler dahil sa pag-convict sa kanya ng Makati Municipal Trial Court sa salang acts of lasciviousness.

Nag-file kasi ng kaso noong 2008 ang anak nila William Martinez at Yayo Aguila na si Patrizha Martinez dahil sa ginawa raw na kalaswaan sa kanya ni Baron.

Noong July 1 ay “guilty” ang verdict kay Baron at nasentensiyahan siya ng six months to a maximum of two years sa bilangguan. Magbabayad din siya sa complainant na si Patrizha Martinez ng P30,000 in moral damages.

Sa pamamagitan ng abogado ni Baron na si Atty. Bonifacio Alentajan ay nag-file sila ng motion for reconsideration sa naturang kaso.

Sa kopya ng apela ng aktor, nakasaad doon that the prosecution failed to prove the actor’s guilt “beyond reasonable doubt” due to the absence of lewd design and force intimidation.

Sa naging reklamo ni Martinez kay Geisler, intoxicated or lasing ang aktor at bigla na lang daw nilamas nito ang dibdib ni Martinez habang nasa party sila sa Fiamma Bar in Makati City noong April 26, 2008.

Nag-request si Baron na i-schedule ng korte ang kanyang hearing sa kanyang appeal on August 7, 2013.

Indie actor nahirapang mag-adjust sa TV

Big change para sa indie actor na si Alex Vincent Medina ang pasukin ang mainstream showbiz dahil nakasanayan na niya ang simpleng mundo na kinabibilangan niya.

Nag-umpisa si Alex sa mundo ng indie cinema at ginawa niya ang mga critically-acclaimed indie films tulad ng Concerto, Iliw, Fidel, Mangatyanan, Fling, Ka Oryang, Balang Araw, Pascalina, at Mariposa.

Pero sa award-winning role niya sa Cinema One Originals entry na Palitan, doon napansin si Alex ng ilang TV executives at agad nga siyang binigyan ng magandang role para sa top-rating drama series ng ABS-CBN 2 na Ina, Kapatid, Anak.

Ngayon ay kasama sa cast ng My Little Juan si Alex at naka-adjust na siya  sa schedule ng kanyang trabaho sa telebisyon.

Inamin ni Alex na matagal siyang nakapag-adjust dahil hindi siya sanay sa work environment ng isang mainstream TV production.

 â€œTo be honest, hindi ako TV person kasi, eh. Hindi ako familiar sa mga TV series. Kahit sa mga artista, kilala ko sila pero hindi ko sila napapanood.

 â€œYes, my dad (Pen Medina) and my brother (Ping Medina) are both doing TV series sa magkaibang TV networks, pero hindi ko sila napapanood. Iba kasi ang interest ko before.

 â€œI’m more into theater, indie films and music. I’m the vocalist of a band called Alex in Wonderland Band. I’m also into sketching and drawing. I do storyboards from music videos and TV commercials. Wala talaga akong alam when it comes to TV.

 â€œKaya you can just imagine ‘yung adjustment na ginawa ko para sa trabahong ito. Masasabi mo rin na na-culture shock ako kasi gano’n pala magtrabaho sa isang TV show.”

Kasama si Alex sa Cinemalaya Independent Film Festival entry na Babagwa (Spider’s Lair) na tungkol sa mga online scammers. Kasama niya rito ay sina Alma Concepcion, Joey Paras, Marx Topacio, at Kiko Matos.

Tina Turner 20 years ang tanda sa napangasawa

Kinasal ang singer na si Tina Turner sa kanyang long-time partner sa isang civil ceremony in Switzerland noong nakaraang Sunday, July 14.

Ang 73-year old singer ay kinasal sa German-born record producer named Erwin Bach sa Kuesnacht suburb in Zurich kung saan sila matagal nang nakatira.

Bach is 57 years old. Twenty years nga ang pagitan ng edad nila ng eight-time Grammy winner.

Nag-celebrate ang newly-weds sa pamamagitan ng isang Buddhist water ceremony sa lakefront mansion ng singer. Twenty years na ngang nakatira sa Switzerland si Turner.

Sumikat si Tina noong late ‘60s hanggang early ‘70s dahil sa pag-perform niya kasama ang kanyang unang mister na si Ike Turner. Pero nag-divorce sila in 1978 pagkatapos ng isang bayolenteng pagsasama.

Sumakabilang buhay na si Ike Turner noong 2007 dahil sa cocaine overdose.

Ang kanilang istorya ay isinapelikula noong 1993 titled What’s Love Got To Do With It kung saan gumanap na Tina Turner ay si Angela Bassett.

Nagkaroon ng panibagong sigla ang career ni Tina noong early ‘80s nang i-launch niya ang kanyang album na Private Dancer.

Nag-retire na sa kanyang career si Tina after ng kanyang huling tour noong 2009.

    

 

ALEX

ALEX VINCENT MEDINA

IKE TURNER

KANYANG

NOONG

PATRIZHA MARTINEZ

TINA

TINA TURNER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with