^

Pang Movies

Pamilya Gutierrez bitbit si Sarah sa kanilang bakasyon

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Tweet ni Raymond Gutierrez noong Tuesday evening na paalis ang buong Gutierrez family for a long delayed vacation pero maiiwanan daw siya dahil sa ilang business meetings. 

Hindi sinabi ni Raymond kung saan magbabakasyon ang family niya. Ito kaya ang sinabi ni Sarah Lahbati na aalis siya after niyang nakapag-file ng kaso laban kina Atty. Annette Gozon-Abrogar pero hindi niya sinabi kung saan siya pupunta? For sure, kasama si Sarah sa bakasyon na iyon ng mga Gutierrez.

Tom natutuyuan na sa pagbabading

Puring-puri ang tatlong bida ng My Husband’s Lover na sina Dennis Trillo, Tom Rodriguez, at Carla Abellana dahil sa mahusay nilang pagganap sa kani-kanilang role. Sa tuwing magmo-mall show sila para magpasalamat sa mga sumusubaybay sa pamhintaserye nila gabi-gabi sa GMA 7 after ng Mundo Mo’y Akin, patok ang pagkanta nila, lalo na si Tom na maganda pala ang boses. 

Kahit sa paggi-guest nila sa mga TV show na kumakanta sila ni Dennis ng theme song nilang One More Try ni Kuh Ledesma, patok lagi ito sa audience. Kaya nang tanungin namin si Tom kung kailan siya magri-record ng version niya ng One More Try, natawa siya. Hindi raw niya ma-imagine kung magi­ging recording artist pa siya.

Nilinaw din ni Tom na may pinirmahan siyang three non-exclusive contract sa Viva Films which Ms. June Rufino of Viva Films confirmed at mayroon din siyang three non-exclusive contract sa Regal Entertainment, Inc. kaya libre rin siyang lumabas sa ibang production. 

So, kasama kaya siya sa movie version ng Be Careful With My Heart na isasali sa coming Metro Manila Film Festival sa December? Wala pa raw siyang idea dahil wala pang sinasabi sa kanya ang manager niyang si Popoy Caritativo. Sa TV kasi he played the role  of Pards ni Aiza Sequerra at mayroon pa silang isang anak.

Balitang may mga movie offer na kay Tom, payag ba siya if another gay role ang ibigay sa kanya?

 â€œHuwag po munang bading role. Nahihirapan ako talaga playing the role of Vincent dito sa My Husband’s Lover, it’s draining,” say ni Tom. 

Walang love life si Tom pero kung siya ba ang magkakaroon ng wife na lesbian ang karelasyon, matatanggap niya? Hindi raw niya matatanggap.

vuukle comment

AIZA SEQUERRA

ANNETTE GOZON-ABROGAR

BE CAREFUL WITH MY HEART

CARLA ABELLANA

MY HUSBAND

ONE MORE TRY

SIYA

TOM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with