Sarah isinabit sa kanyang demanda ang trabahong hindi raw binayaran ng GMA
Suportado naman daw siya ng kanyang buong pamilya sa kanyang ginagawa ngayon at ginagawa niya iyon para linisin ang kanyang pangalan, sabi ni Sarah Lahbati.
Nagsampa ng kasong grave coercion si Sarah laban sa presidente ng GMA Films na si Atty. Annette Gozon-Abrogar na naunang nagdemanda sa kanya ng libel. Kasama rin sa demanda ni Sarah si Bebong Muñoz ng ICONS Management, Sheila Buendia, Andre Dee, ang dating head ng GMA Artist Center na si Arsi Baltazar, at ang dati niyang handler na si Michael Uycoco. Sa kanyang sumbong sinabi niya na ang mga taong kanyang ipinagharap ng demanda ay nagtulungan upang siya ay maipasok sa talent management ni Muñoz at simula nang tumanggi siya ay kung anu-anong bagay nang hindi maganda ang nangyari sa kanya.
Sinabi rin ni Sarah na siya ang talagang dapat na magdemanda laban sa GMA dahil gumawa siya ng dalawang pelikula na kung saan hindi pa siya binabayaran at marami rin siyang ginawang guestings na hindi siya nabayaran pati na ang kanyang mga personal appearance simula pa noong 2010.
Matapos na isampa niya ang kasong grave coercion sa Quezon City Regional Trial Court (RTC) noong hapon naman ay nagharap siya ng isa pang kaso na perjury laban pa rin kay Gozon sa Makati City RTC naman.
Sa mga bagay na sinabi ni Sarah, sinabi naman ni Gozon na hindi siya makakapag-comment dahil wala pa siyang natatanggap na anumang abiso tungkol sa mga kasong iyon.
Sinabi ni Sarah na tinangka nilang ayusin ang lahat ng kanyang problema in private at nang magsumbong nga raw siya ay sinabihan pa siya ng ama ni Atty. Annette na si Atty. Felipe Gozon, na siya naman chairman ng GMA, na bibigyan siya ng proteksiyon kung sasabihin niya ang lahat ng alam niya. Noon namang gawin niya iyon at mahalo sa anomalya si Atty. Annette ay nagbago na rin ang stand ng GMA chairman. Iyon ay nai-deny na rin dati ni Atty. Felipe, na nagsabing wala siyang sinabing poprotektahan niya si Sarah, lalo’t hindi naman daw totoo ang akusasyon ng aktres.
Tiyak na lalaki pa ang mga kaso lalo na at sinasabi rin ni Sarah na ginagamit ni Mrs. Gozon-Abrogar pati ang GMA News para pasamain ang kanyang image.
Hintayin na lang natin kung ano ang mangyayari sa kanilang demandahan. Hindi naman natin dapat pangunahan ang hukuman.
Vice Ganda nagbabayad na sa mga panlalait?
Hindi raw makapagsalita ngayon ang baklang komedyanteng si Jose Mari Viceral o Vice Ganda dahil tinubuan siya ng polyps sa kanyang vocal chords. Pinayuhan siya ng mga doktor na huwag munang magsasalita para mapahinga ang kanyang vocal chords at pinainom siya ng mga kaukulang gamot.
Kung hindi raw makukuha sa gamot at pahinga, posibleng maoperahan ang baklang komedyante.
Bakit naman kaya tinubuan ng polyps sa kanyang vocal chords ang baklang komedyante? Ayaw naming sabihin kung ano ang naiisip namin. Ayaw din naman naming isipin na totoo ang sinasabi ng iba na baka iyon ay karma dahil sa marami siyang sinisiraang ibang tao para lamang makapagpatawa.
Daddy ni Jolina nauna pang magkumpirma sa kanyang magiging apo
Ang erpat mismo ni Jolina Magdangal, ang proud future lolo na si Jun MagdaÂngal, ang nagsabi na buntis na nga ang singer-actress at iyon ang dahilan kung bakit hindi muna siya mapapanood sa kanyang mga ginagawang TV show.
Iyan bale ang panganay nina Jolina at Mark Escueta.
- Latest