^

Pang Movies

Sakit nakuha sa sobrang kadaldalan: Vice Ganda may bukol sa lalamunan, matatagalan pa bago makapagsalita

- Vinia Vivar - Pang-masa

May sakit si Vice Ganda kaya hindi nakasipot sa It’s Showtime kahapon at sa malas ay mukhang matatagalan pa bago siya makabalik dahil mahigpit ang order ng doktor na bawal siyang magsalita.

Sa sunud-sunod na tweets ni Vice Ganda sa kanyang Twitter account, ipinaliwanag niyang may po­lyps siya sa lalamunan and if we remember it right ay nagkaroon din nito si Kris Aquino kelan lang.

Pero mas mukhang malala ang kay Vice dahil pag hindi nakuha sa treatment ay baka operahin pa ang kanyang lalamunan.

 â€œSorry guys u wont see me muna in Showtime. The doc found polyps in my vocal chords. ’Di na nagsasara yung upper part coz its seriously damaged,” tweet ni Vice.

Aniya, second day na nga raw ng steroid treatment niya and strictly no talk therapy.

“The blood vessels are swollen and might collap­se. I have also acid reflux na lalong nagpalala. Were trying steroids now and strictly no talk for the next days. Pag ’di gumaling i wil have to undergo surgery.

“Ilang araw nkong papel at ballpen ang katapat ko dahil kailangan kong isulat kung anung sasabihin ko. It will take a few days but im sure ill be fine. The Lord loves me. Im not even bothered.

“Anyway @annecurtissmith (Anne Curtis) will be back in showtime later. Katumbas na yun ng doseng bibig ko!!! (Kailangan tlga dose? Di pwedeng sampu?!),” sunud-sunod na post ni Vice Ganda sa kanyang Twitter account.

Needless to say, sa sobrang pagtatrabaho nga ma­rahil nakuha ni Vice ang sakit niya since alam naman nating boses talaga ang pinaka-puhunan ng TV host lalo pa nga kung sigaw nang sigaw tulad nang ginagawa ng komedyante sa kanyang dalawang shows.

BB sinagot na ang isyu sa HIV at AIDS

Sinagot ni BB Gandanghari ang mga tsismis na kumakalat tungkol sa pagkakasakit niya recently. May mga nagpapakalat kasi ng tsika na HIV (Human immunodeficiency virus) o kaya ay AIDS (Acquired Immunodeficiency Syndrome) daw ang totoong sakit ng kapatid ni Robin Padilla.

Ayon kay BB, sa kanyang panayam sa The Buzz, hindi niya alam na may ganyan na palang espekulasyon sa kanya at nasaktan siya talaga when he learned about it.

“Hindi kasi ako nagbabasa. Nakakarating na lang sa akin. Sabi kasi may AIDS daw. But the thing is I’m not even promiscuous. Ang masakit doon, parang nire-relate na porke’t I came out as gay, parang kailangan may AIDS na,” reaksiyon ni BB.

Dagdag pa niya, hindi lang naman daw sakit ng gays ang AIDS tulad ng impresyon ng iba.

“Hindi ho sakit ng gays or transsexuals or transgenders ang AIDS because sakit iyan ng promiscuous na tao, whether gay or straight,” he said.

Muli niyang nilinaw na ang sakit niya ay serious case of UTI (Urinary Tract Infection) na naging dahilan para ma-dehydrate siya.

Pero hindi naman niya pinagsisisihan ang pagkakasakit niya dahil naging daan nga ito ng pagkakabati nila ng kapatid na si Binoe.

At nakaka-touch naman ang latest update sa magkapatid na nag-dinner pa last Sunday kasama ang ina nilang si Mommy Eva Cariño-Padilla at asawa ni Robin na si Mariel Rodriguez.

Nag-post ng picture si BB sa kanyang Instagram kung saan ay makikita silang nasa harap ng hapag-kainan at may caption na “Healthiest meal ever... courtesy of my little bro. @robinhoodpadilla and lil sis @marieltpadilla... ayan ha sabi mo basta ate mo ko , e di yan lil bro. kita... Hihi thanks for dinner..., sa uulitin...Chos.”

Pati si Mariel ay nag-upload din ng nasabing larawan na may caption naman na “One of the most memorable dinners of my life.”

vuukle comment

ACQUIRED IMMUNODEFICIENCY SYNDROME

ANNE CURTIS

KRIS AQUINO

MARIEL RODRIGUEZ

MOMMY EVA CARI

NIYA

PERO

ROBIN PADILLA

VICE GANDA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with