Umamin kay Kara, Gov. Vilma nagkautang-utang din sa kasagsagan ng acting career!
“Idol ko si Tita Mel (Tiangco), she’s my inspiration,†bungad ni Kara David sa launch niya as the new host ng Powerhouse na for two years ay hosted ni Mel every Tuesday, 8:00 p.m., sa GMA News TV Channel 11. “Kaya ang laki-laking pressure sa akin since ipinaalam nila na ako ang papalit sa kanya. Ilang araw na akong may feeling ng insecurity. Hindi ko akalain na mamanahin ko ang show niya.â€
Wala namang problema sa una at bagong host dahil nag-usap na sila.
“She gave me her blessing. She’s giving me the freedom. Huwag ko raw siyang gayahin. She wants me to give a Kara David touch ang bago kong show. I promised her naman na I will not be afraid to show who I’m really am. Hindi ko rin naman iiwanan ang paggawa ko ng documentaries sa I-Witness, ang pagiging anchor sa News to Go daily sa GMA News TV. Reporter pa rin ako sa 24 Oras at Saksi,†sabi ni Kara.
Alam ba niya kung bakit siya ang napili para pumalit kay Mel? Say niya, siguro raw ay may nakita sa aspects ng personality niya na may hawig kay Mel, like iyong masayahin itong makipag-usap sa lahat ng klase ng tao. Alam din niyang very credible si Mel at iyon daw ang pagsisikapan niyang mapantayan.
Nagpaalam na si Mel sa Powerhouse pero patuloy pa rin siyang anchor ng 24 Oras every night at pagho-host ng drama anthology na Magpakailanman pero ang bulk ng kanyang work ay ang pagiging executive vice president at chief operating officer ng GMA Kapuso Foundation na gusto nitong mas bigyan ng oras at panahon.
Si Batangas Gov. Vilma Santos ang unang na-interview ni Kara pero hindi sa bahay nito kundi sa Batangas City Hall Mansion. Hindi raw siya nag-submit ng questions na sasagutin ng Star for All Seasons. Inamin ni Kara na hindi niya masyadong alam ang buhay ni Gov. Vi kaya nagulat siya sa pag-reveal nito ng little secrets tulad nang nagkautang-utang ito noong artista pa at kung paano siya nakabangon. Sigurado raw si Kara na marami pa ring malalaman ang mga manonood at fans ni Gov. Vi sa Tuesday evening.
May dalawang powerful icons na gustong ma-interview si Kara, sina President Noynoy Cojuangco Aquino at si former President Gloria Macapagal-Arroyo. Gusto raw niyang malaman kung hindi na siya matatarayan ng former president tulad nang una niyang na-interview ito dahil alam na anak siya ni Randy David na minsan nang nakalaban nito sa pulitika.
Hindi raw niya nalilimutan ang advice ng kanyang ama na huwag siyang manghuhusga ng tao, kahit pa ang kausap niya ay pinakamaruming tao, dapat ay respetuhin pa rin niya.
Devoted mom si Kara sa 12-year-old daughter niyang si Julia na araw-araw ay inihahatid niya sa school bago siya pumunta sa GMA Network, Inc.
- Latest