^

Pang Movies

Marian nangatog ang tuhod, hindi lang halata nang rumampa!

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Hindi na namin kailangang pumunta ng World Trade Center sa Pasay City noong Wednesday evening para sa pagrampa ng FHM Sexiest Pinay, sa pangunguna ni Marian Rivera, dahil updated ang Twitter at Facebook ng pictures at kung ano ang nangyayari sa victory party. Bago iyon, sa Instagram ay nag-post si Dingdong Dantes ng picture nina Iron Man at Superman na hawak si Marian saying, “The ‘number one’ deserves nothing but the best, so, I am sending you these two as your security detail for tonight’s event. Good luck @therealmarian, may you enjoy each step of victory down that ramp. Cheers!”

Nag-post din si Direk Mike Tuviera ng picture ni Marian in an angel costume at sabi niya, “Diyosang-diyo­sa ang dating. ’Di halatang nanga­ngalog ang tuhod mo sa nerbiyos sis, kung alam lang nila. We are so proud of you, you worked hard and stayed humble. Hats off to you.”

Magkasama sina Direk Mike at Marian sa Triple A Productions.

Jaclyn gustong makasama ng matagal ni Alden

Na-touch naman kami kay Alden Richards noong isang gabi, na todo ang iyak niya sa eksenang nagpapaalam siya as Jerome kay Marilyn (Louise delos Reyes) kaya natanong namin siya, nang bumisita kami sa taping ng Mundo Mo’y Akin kung ang nawalang ina pa rin ang iniisip niya kapag ganoong mga eksena? Hindi na raw, inilalagay na lamang niya ang sarili niya sa role ni Jerome na mahal na mahal talaga si Marilyn, nagli-let go na siya and feels his role. 

Sa comment din na hindi siya ang bida sa drama serye na nagtala na ng mataas na rating na 31 percent sa katapat nilang teleserye, alam niya iyon pero naiintindihan niya. Basta ibinibigay niya ang kakayahan niya sa pag-arte at suporta kay Louise na sa kanya talaga umiikot ang story.

Pero may isa siyang wish, ang makasama sa isang mahaba-habang eksena si Ms. Jaclyn Jose dahil nakikita niya kung gaano talaga kahusay umarte ang actress. 

Happy si Alden dahil kinuha rin siya ng Belo Billboard pero ayaw pa niyang sabihin kung ano ang product na ii-endorse niya dahil kahapon pa lamang siya nag-pictorial at sikreto pa. Sinundan ito ng first shooting day niya ng Sampung Libong Oras isang true-to-life story for the coming Metro Manila Film Festival where he will play the role of young Robin Padilla. 

Gabby Eigenmann under de saya?

 Mabait na husband and father si Gabby Eigenmann, sa mga role lamang niya sa mga soap siya masamang asawa at ama. “Under de saya” o under…standing lang siya?

Iyon ang pag-uusapan nila nina Camille Prats at Suzi Entrata sa Mars mamayang 6:00 p.m. sa GMA News TV with another guest Sexbomb Aifah Medina.

 

 

ALDEN RICHARDS

BELO BILLBOARD

CAMILLE PRATS

DINGDONG DANTES

DIREK MIKE

GABBY EIGENMANN

NIYA

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with