Ritz takot na takot kay Christopher
True kaya na ang sexy at napakagandang aktres at big star sa Misibis Bay sa TV5 na si Ritz Azul ay takot na takot sa Drama King at leading man niya sa miniseries na si Christopher de Leon?
Iilang episode pa lang ang lumalabas ay gumaÂgawa na ng ingay ang dalawa sa home viewers.
“Ang ganda po talaga ng ilang gabi naming napanood sa bahay. Grabe! Bagay po sina Ritz at Sir Boyet,†sabi ng binilhan namin ng gulay sa may Arayat, Cubao, Quezon City.
Sir ang tawag ng babaeng vendor kay Boyet dahil naging member pa siya ng Oasis of Love kung san naging kabilang din ang aktor.
Takot daw si Ritz kay Boyet ’pag magte-take na sila ng kanilang eksena lalo na sa love scenes. Sa nerbiyos ni Ritz, nararatrat at nabubulol siya sa dialogue. Eh knows naman natin ang aktor, very professional at laging handa sa gagawin sa harap ng kamera. Kaya hindi siya puwedeng arte-artehan ng kung sinong aktres.
Angelica at mga kasama sa Apoy sa Dagat nakakabingi ang ginawang sigawan sa ending
Nakakahilo raw ang naging ending nung BiÂyernes ng Apoy sa Dagat. OA raw si Angel Aquino, cry nang cry at shout nang shout. Ganun din daw ang lahat ng cast sa pagtatapos ng kanilang serye. Para nga raw may contest ng sigawan at iyakan sina Angel, Aiko Melendez, Liza Lorena, Angelica Panganiban, Piolo Pascual, Perla Bautista, at noong nakalipas na episode ay pati na si Iya Villania. Comment ito ng mga avid viewer. Sagot ko naman, sumusunod ang artista kung ano ang gusto ng direktor at kung ano ang laman ng script.
Sabagay, nabingi rin ako sa kasisigaw nina Angel, Aiko, at Angelica (pati sa pag-iyak niya). Ganyan kasi kapag magaling ang kanilang papel na ginagampanan!
Carlo parang Kriminal kung habulin ng BIR
Kilala namin si Direk Carlo J. Caparas, ang magaling na Komiks nobelista, National Artist, magaling na direktor, pusong mamon, at isa sa pinaka-totoong tao sa larangan ng showbiz, bukod sa pagiging mabait sa pamilya, kaya hindi ako naniniwalang kasalanang kriminal ’yung kaso niya ngayong tax evasion. ’Di raw siya nagbayad ng buwis sa panahong ratsada sa isang network na pag-aari ng gobyerno ang kanyang serye?
Knowing him at ang asawa niyang si Donna Villa, hindi malasado ang pagiging showbiz couple nila at matitino silang negosyante. At sabi pa sa mga lumalabas na balita, nagtatago si Direk Carlo. I beg to disagree!
Ba’t kaya gano’n, ’yung mas may malalaking kaso sa buwis, ilan na rito ang government officials, ay hindi napapagtripan? Bakit ’pag showbiz people na, lalo’t sikat, nginangarag nila?!
Pakikiramay…
Nakikiramay kami sa katotong Butch Roldan, Pasay City Vice Mayor Marlon Pesebre, at kanilang pamilya sa pagkamatay ng kanilang mahal na ama, Ingracio Pesebre na inihatid na sa huling hantuÂngan sa Loyola Memorial Park sa Parañaque City.
- Latest