^

Pang Movies

Ipinaglaban pa ng promoter at buo ang bayad sikat na aktor tinulugan lang ang imbitasyon sa pista

FREELANCER - Emy Abuan Bautista - Pang-masa

Minsan ay naimbitahan ang isang sikat na dramatic actor sa kapistahan sa malayong lugar ng isang lalawigan. May gustong imbitahin ang namamahala sa kapistahan pero ipinaglaban pa rin ng promoter ang sikat na aktor dahil paborito niya ito.

Naimbitahan naman ang aktor at maganda ang naging talent fee at in full payment na ibinigay sa kanya. Wala siyang gagawin kundi sumakay lang at sumama sa motorcade at kumaway nang kumaway sa mga tao.

Heto na ang siste, maaga pa lang ay kinakatok na ang aktor sa kanyang kuwarto pero ayaw buksan ang pinto. Alas-otso ang call time at dapat nasa ibaba na sila para sa motorcade. Ginising uli ang aktor nang makapasok na ang promoter sa kuwarto nito. Tulog na tulog at ayaw pa ring magising kahit yugyugin na. Male-late na ang pag-usad ng mga karosa at tatanghaliin na ang motorcade kaya walang nagawa ang promoter kundi umpisahan na ang motorcade.

Natapos na ang motorcade pero tulog pa rin ang aktor. Hindi na lang kinuha ang pera sa kanya pero sumusumpa ang promoter na never na kukuning muli ang serbisyo ng aktor na iresponsable.

Ang malaking kuwestiyon ngayon, hindi kaya gumagamit ng ipinagbabawal na gamot ang aktor kaya nagbago na ng pag-uugali? Dati ay propesyonal naman siya pero ngayon ay nagbago na.

Krystal, madaling umiyak

Puring-puri ni Direk Gina Alajar si Krystal Reyes na isa sa mga bida ng Ana Karenina bilang si Ana. Siya ang paboritong inampong anak ni Sandy Andolong dahil likas ang kabaitan nito.

Saludo si Direk Gina sa kahusayan ng bagets sa pag-arte bukod pa sa pagi­ging propesyonal.

‘‘Hindi problema sa kanya ang pag-iyak. Mada­ling tumulo ang kanyang luha. Tuloy ang pag-agos ng luha nito sa madadramang eksena kaya wala akong problema,’’ sabi ng director-actress.

Kumusta naman ang bonding nina Krystal, Barbie Forteza, at Joyce Ching bilang Ana Karenina?

Maganda ang samahan ng tatlong bagets dahil walang sapawan at kapag nasa waiting area sila ay wala silang ginawa kundi magkuwentuhan at magtawanan kaya malapit ang loob nila sa isa’t isa.

Mataas ang rating ng Ana Karenina kaya inspirado sa trabaho ang tatlong bida. Higit na kaabang-abang pa ang mga susunod na kabanata.

AKTOR

ANA KARENINA

BARBIE FORTEZA

DIREK GINA

DIREK GINA ALAJAR

JOYCE CHING

KRYSTAL

KRYSTAL REYES

SANDY ANDOLONG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with