^

Pang Movies

Manager na-shock sa tawad ng network na P5M, alagang artista naglaho na ang kinang!

MASA...RAP - Ernie Pecho - Pang-masa

Daig pa ang hindi pag-renew ng contract with a leading star sa ginawang offer ng studio sa artista. Ang gusto kasi ng manager ng artista, maging P50 million ang halaga ng bagong kontrata sa loob ng ilang taong exclusive deal.

Sobrang shocked ng ma­nager, pati ang popular star na P5 million lang ang gustong ibayad ng network for a new pact! Para na ring sinabi sa artista na hindi ka namin kailangan!

Ang panig ng isang top executive roon, naglaho na ang dating popularidad ng dati nilang contract artist. Gagastahin na lang nila ang malaking halaga sa pagtuklas at pag-build up sa mga young actress. Baka mahigit na sampung bagong bituin pa ang ma-develop nila sa P50 million!

Producer todo-bigay ng P500K na TF sa aktres na isang araw lang magtatrabaho

Kahit baguhan ang isang producer, hindi man lang nagulat at umatras sa asking price ng isang aktres — P500,000 para sa isang araw na trabaho. One shooting day nga lang pero baka gawin namang 24 hours ang kanyang shooting at eksenang kukunan sa kanya ay ikakalat from beginning to end ng project.

Isang colossal film ang nakatakdang gawin kaya hindi shocked ang produ kahit super taas ang talent fee for deserving artists. Say pa niya, sulit naman ang budget kung mahusay ang artista.

Dennis nakakatayong mag-isa, hindi umasa sa kasikatan ni Marian

Ang akala ng mga showbiz insider ay nawawala na ang bargaining power ng isang talent manager kapag umaalis sa kanyang poder ang pinakasikat na artista sa kanyang mga alaga.

Sa kaso naman ni Popoy Caritativo, hindi naapektuhan ang ibang artista sa kanyang listahan. Nandoon pa naman si Dennis Trillo na one of the most in demand leading men, sa TV man o pelikula. Hindi naman umasa ang aktor sa hatak ni Marian Rivera upang magkaroon ng maraming trabaho.

Marami pang female artists si Popoy na matiyempuhan lang mabigyan ng lucky break, sisikat din tulad ni Marian.

Si Marian naman, masaya sa mainit na pagtanggap sa takilya ng My Lady Boss, the GMA-Regal co-produce where she is topbilled with Richard Gutierrez. Nasa Iloilo si Marian for a Kapuso day.

Michael Douglas hindi binantayan ni Catherine Zeta Jones nang makipaglaplapan kay Matt Damon

Noong nag-shooting ng passionate kissing scene si Michael Douglas with Matt Damon for the Liberace biopic, Behind the Candelabra, wala ang wife ng actor/director na si Catherine Zeta Jones.

Si Douglas ang Liberace at si Damon ang young and husband lover in that HBO film. Ang nandoon ay ang mother ni Matt. Kaya lang pinaalis ng aktor ang kanyang ina sa set nang magsisimula na ang take. Habang nasa mainit na halikan, hinimas-himas pa ni Liberace (Douglas) ang matambok na puwet ng kanyang boyfriend.

Aiza, Bayang Barrios, atbp. magpa-fund-raising concert para kay Amable Quiambao

Merong fund-raising concert ang mga piling artista with Theater Actors’ Guild members tonight at 9 sa Tambayan, Kamuning, Quezon City for the benefit of Ama (Amable) Quiambao who died last Friday.

A veteran actress, she was Cinemalaya’s best actress last year. Call 0927-3067097 for details. Kasama sa benefit show sina Aiza Seguerra, Bituin Escalante, Bayang Barrios, Cooky Chua, Mike Villegas, Ava Santos, at Angeli Bayani.

Dolphy binigyan ng isang buwang tribute ng Jeepney TV

Isang buwan ang tribute para sa yumaong Comedy King Dolphy for this month of July, sa cable Jeepney TV channel.

Pumanaw ang Hari ng Komedya noong July 10, 2012. Magdiriwang na sana siya ng 85th birthday sa July 25.

Alessandra, whistle blower ang drama sa Cinemalaya

Marahil nakalimutan na ninyo kung sino talaga ang sportswriter na gumawa ng exposé tungkol sa Little League Pinoy team na nakamit ang world cham­pionship sa USA.

Binawi sa ating koponan ang world title nang ibuko na ang ilang mga batang player sa team ay overaged.

Si Alessandra de Rossi ang gumanap sa papel ng reporter na nagsiwalat ng lihim. Tanungin lang ninyo si Director Gil Portes, sasabihin niya ang tunay na character sa pelikulang The Liars, na lahok sa Cinemalaya Independent Film Festival.

Buhay pa ang sportswriter pero hindi na aktibo ngayon. Naging sports editor pa siya ng isang broadsheet.

BAYANG BARRIOS

CATHERINE ZETA JONES

ISANG

LANG

LIBERACE

MATT DAMON

MICHAEL DOUGLAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with