^

Pang Movies

Mga pelikula sa Japan filmfest, libreng mapapanood

REBYUWER KIBITZER - Jhi D. Gopez - Pang-masa

Ang agang magpaalala ng Japan Foundation Manila o JFM ng kanilang taunang Japanese Film Festival o tinatawag nilang Egai Sai dahil nagpatawag na sila ng isang press screening nung isang linggo at naging opening film ang Always Sunset on Third Street 3 kahit sa July 3, Miyerkules, pa ang talagang umpisa ng filmfest sa Shang Cineplex ng Shangri-la Plaza sa Mandaluyong City.

Ginagawa ito sa pakikipagtulungan ng Em­­ba­s­­sy of Japan sa pagdiriwang ng Philippines-Japan Friendship Month sa buong buwan ng Hulyo at ng 40th ASEAN-Japan Friendship and Cooperation. Magtatapos ang Egai Sai sa Cinema 2 ng Shang Cineplex sa July 14, Linggo, sa pelikula ring Always Sunset on Third Street 3 at Rinco’s Restaurant (Shokudo Katatsumuri). Para sa iba pang pelikula at oras ng palabas, maaaring bisitahin na lang ang website ng Japan Foundation Manila.

Walang bayad ang Egai Sai at huwag mag-aalala na baka hindi maintindihan ang mga pelikula dahil may English subtitle ang bawat mapapanood.

Nakakatuwa ang JFM dahil aktibo sila sa mga proyektong may kinalaman sa pelikula at kultura. Mahigit isang dekada na nilang ginagawa ang Egai Sai at ngayon taon ay katuwang pa nila ang UP Film Institute ng University of the Philippines-Diliman sa Quezon City at Film Development Council of the Philippines (FDCP) Cinematheques bilang dagdag na lugar na pagdarausan ng mga pelikulang tampok sa filmfest. Dahil sa FDCP, aabot pa hanggang Cebu at Davao ang ilang mga piling pelikulang Hapon. May nakalaang ibang araw nang pagpapalabas sa UP at sa Cinematheque na aabot pa hanggang Agosto.

American rocker adik sa paggawa ng pelikulang kakatakutan at kababalaghan

Nakakarami na rin pala nang idinidirek at ipinoprodyus na pelikula ang American rocker na si Rob Zombie ng American band na White Zombie. At pinangangatawanan niya ang horror genre na kadikit na ng kanyang pangalan at uri ng musika (heavy metal, shock rock, horror punk).

Nagsimula siya nung 2000 sa House of 1,000 Corpses at nag-remake ng pelikulang Halloween. Ang Halloween at ang Halloween 2 ang napabilang sa mga naging kilalang horror films sa Pilipinas.

Ang latest naman niyang pelikula na ipinapakita na ang trailer sa mga sinehan ay ang The Lords of the Salem. Nakakatakot uli at patungkol sa nasa­sanibang babae. Ipinakikita lang yata ni Rob ang lakas ng loob niya na isugal ang pera sa ganitong uri ng palabas. Malugi man ay nailabas pa rin ang passion niya sa mga katatakutan at kababalaghan.

Trailer ng FilmNation suking-suki sa SM

Nagmistulang ka-tie up ng SM Cinemas ang FilmNation Entertainment dahil may mga panahong ang naaabutan ng moviegoers ay mga trailer ng pelikulang kanilang idini-distribute. Ayon sa Wikipedia, ang FilmNation Entertainment “is an American film distribution company founded by veteran international film executive Glen Basner in 2008. It distributes films in foreign territories…”

Hindi natin kilala kung sino si Mr. Basner pero ang mahalaga ay nakarating na sa atin nitong mga nakaraang taon ang ilang malalaking Hollywood films na sila pala ang distributor. Ang ilan dito ay ang Looper, Red Dawn, Magic Mike, Side Effects, Mirror Mirror, The King’s Speech. Kapapalabas lang din ang nakakatawang Gambit nina Colin Firth at Cameron Diaz.

Base sa mga nabanggit na pelikula, magaganda ang nakukuha nila na nire-release sa international market ‘di ba?

May ipare-rebyu? E-mail: [email protected]

vuukle comment

ALWAYS SUNSET

ANG HALLOWEEN

CAMERON DIAZ

COLIN FIRTH

EGAI SAI

FILM DEVELOPMENT COUNCIL OF THE PHILIPPINES

FILM INSTITUTE

GLEN BASNER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with