Ritz nabinyagan sa sexy-drama
First time ni Ritz Azul sa isang sexy drama ng TV5, ang Misibis Bay, kung saan bago mag-take ay nagre-rehearsal muna dahil nahihiyang mapanood sa sexy scenes. Pero later naman ay naging komportable ang magandang aktres dahil inilagay niya ang sarili sa katauhan ng karakter na ginampanan na si Maita.
Shocked si Ritz nang unang mapanood ang mga seksing eksena pero lumabas namang maayos at maganda kaya hindi rin siya nabahala rito. Pinuri nga siya ng kasamahang aktres na si Boots Anson Roa dahil kahit bata pa ay magaling na raw umarte at may pinaghuhugutan sa mga matiÂtinding eksena.
First time rin ni Ritz na magsuot ng two-piece bathing suit at dahil napapalibutan ng sexy actors ay kailangan niyang magpa-sexy din.
Isang malaking karangalan din para sa aktres na makatrabaho si Christopher de Leon at inaming marami siyang natutunan dito pagdating sa tamang pag-arte.
Mapapanood ang Misibis Bay ngayong July 1 sa TV5 sa ganap na 6:00 p.m.
Kasama rin sa Misibis Bay ang original Miss Body Beautiful na si Vivian Velez. Inamin nga ni Ritz na noong una ay ninerbiyos siyang makatrabaho ito lalo na sa isang eksenang ilulublob siya sa isang putikan. Pero naging makatotohanan ang eksena at matapos ang take ay niyakap siya ni Vivian.
Sinabi pa rin ng sexy actress na nagbabalik-showbiz na mas gusto niyang maging kontrabida dahil mas challenging ang role at napaglalaruan ang karakter na ginagampanan. Mas nag-e-enjoy siya ngayon sa character role.
Ayaw na rin nitong magsuot ng duster at kailangang maglagay pa ng false eyelashes.
- Latest