^

Pang Movies

Be Careful… nagkaproblema, halikan nina Maya at Ser Chief hindi inere

- Vinia Vivar - Pang-masa

Wild ang reaksiyon ng netizens kahapon sa pagkakaputol sa ere ng Be Careful with My Heart. Talagang sunud-sunod na tweets ang kanilang ipinoste bilang pagprotesta sa naudlot na kissing scene nina Maya (Jodi Sta. Maria) at Ser Chief (Richard Yap). May nag-tweet pa nga na sumugod na lang daw ang lahat ng avid viewers ng serye sa EDSA para mag-People Power. ’Kaloka!

’Katawa rin ’yung tweet na “Be Careful With My Heart, kayo ang nagtanggal ng letter G sa word na ‘pag-asa!’”

Grabe talaga ang mga reaksiyon nila at akala mo’y end of the world na.

Humingi naman ng dispensa ang ABS-CBN at naglabas ng advisory na “Due to technical difficulties, today’s episode of Be Careful With My Heart will be shown tomorrow.”

Bago pa man naputol sa ere ay talagang makikita naman talagang may naganap na technical difficulties dahil hindi halos marinig ang mga dialogue ng cast dahil sa malakas na background music.

Bale ba, ang inababangan ngang eksena kahapon ng lahat ay ang first kissing scene sana nina Jodi and Richard.

Kaya say ng netizens, dapat ay bumawi ang show at gawing dalawang oras ngayong araw ang airing.

May Be Careful With My Heart fever talaga sa bansa!

Jennylyn buwis-buhay ang bagong susubukang sport

After six or five years, muling makakatambal ni Jennylyn Mercado ang kanyang ex-boyfriend and ex-love team na si Mark Herras sa episode ng Magpakailanman this Saturday.

Gagampanan nina Jen and Mark ang papel na mag-asawang may AIDS kaya say nga ng aktres, madugo ang reunion nila dahil puro iyakan.

Malayung-malayo ito sa dati nilang mga ginagawang project noong sila pa na puro pa-cute lang sila dahil mga bata pa nga naman sila noon.

Wala namang ilangan na nangyari sa kanila dahil kahit naman wala na silang relasyon ay napanatili nila ang pagiging magkaibigan nila and, in fact, open ang communication nila sa isa’t isa kahit may kanya-kanya na silang buhay.

As we all know, parehong in a relationship ngayon sina Jen and Mark and both are happy sa kani-kanilang love life.

This Sunday naman, buwis-buhay ang mapapanood kay Jen sa Sunday All Stars dahil she will perform a parkour at Balintawak routine sa nasabing show.

Gagawin ni Jen ang delikadong sport na ito alang-alang sa kanyang team.

Julia ayaw patulan ang banggaan nila ni Kathryn

Kahit pinagtatapat ngayon sina Julia Montes and Kathryn Bernardo, ayon sa una ay hindi apektado ang friendship nila at nananatili pa rin silang magkaibigan.

 â€œBago pa man kami magsimula, may friendship na kami and, kumbaga, iba ang friendship namin, may lalim. So, kahit ano’ng pagbangga sa amin, wala. Never talagang naging issue sa amin maski once, as in wala talaga,” sabi ni Julia.

Paliwanag pa ng bida ng bagong seryeng Muling Buksan ang Puso, magkaiba sila kasi ng genre na gina­ga­wa ni Kathryn. Kung ang kaibigan ay teenybopper roles, siya naman ay napunta sa mas mature na mga papel.

In a way, ayon kay Julia, ay nakatulong din ’yung pagiging magkaiba nila ng genre sa kanilang mga career.

“Kahit masasabi namin sa sarili naming hindi kami nagko-compete. ’Yung ibang tao sa paligid namin, pinagbabangga kami. Pero hindi talaga kami apektado,” she said.

Paano nila name-maintain ang friendship nila?

“Ang lagi nga naming joke, kami ang forever love team,” natatawa niyang sabi. “Hindi. Masasabi ko lang siguro, hindi kami ’yung friendship na laging lu­malabas or nagkakausap sa phone or nagte-text, pero ’pag nagkakasama kami, alam mo ’yung lalim ng usap namin nan­dun pa rin. Parang lagi kaming magkasama at magkausap, ’yung ganun,” reaksiyon pa ni Julia.

vuukle comment

BE CAREFUL

BE CAREFUL WITH MY HEART

JEN AND MARK

JENNYLYN MERCADO

JODI AND RICHARD

JODI STA

JULIA

KAMI

NILA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with