^

Pang Movies

Kumpara sa ibang nanalo na dedma na: Sen. Grace marunong tumanaw ng utang na loob

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Bumalik kahapon sa Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) office si senator-elect Grace Poe para pasalamatan ang kanyang mga dating kasamahan sa trabaho.

Ganyan kaganda ang ugali ni Mama Grace. Marunong siya na tumanaw ng utang na loob. Hindi niya nalilimutan ang kanyang mga kasamahan noong nag-umpisa siya bilang MTRCB chair at sa pagpasok niya ngayon sa mundo ng pulitika at public service.

Naniniwala ako na bilang senador, malaki ang maitutulong ni Mama Grace sa movie industry. Hindi siya kagaya ng ibang mga pulitiko na naalaala lang ang movie industry workers tuwing panahon ng kampanya at eleksiyon. Once na mahalal sila, wala nang naririnig mula sa kanila ang movie workers na pinangakuan nila ng suporta at tulong.

Joyce inaming ‘dakila’ ang tingin sa bf

Tanggap ng mga magulang ni Joyce Ching ang relasyon nila ng kanyang boyfriend na si Kristoffer Martin.

Inosenteng-inosente pa si Joyce dahil nang ta­nungin ko kung dakila si Kristoffer, oo ang sagot niya. Dakila raw ang kanyang boyfriend. Hindi ma­lisyosang bata si Joyce kaya hindi nito binigyan ng ibang kahulugan ang word na dakila

Si Joyce ang gumaganap na Nina sa Anna Ka­renina ng GMA 7. Nagpapasalamat si Joyce dahil binigyan siya ng bida role ng kanyang mother studio. Effective na Nina si Joyce dahil mahusay ang kanyang acting sa Anna Karenina.

Barbie at Krystal tawa lang nang tawa sa intriga

Sina Barbie Forteza at Krystal Reyes ang co-stars ni Joyce sa Anna Karenina. Magkakaibigan ang tatlo kaya wah effect ang pang-iintriga ko sa kanila.

Tawa lang nang tawa ang mga bagets sa mga kagagahan na sinasabi ko. Hindi nila pinatulan ang mga pang-ookray ko sa kanilang friendship.

BB ayaw tawaging baklita, babae ang pakilala

Loveless si BB Gandanghari pero hindi siya nagmamadali na magkaroon ng karelasyon.

Sa ganda ni BB, sure ako na isang araw, darating sa buhay niya ang kanyang Prince Charming. Ngayon pa ba siya magmamadali na magkaroon ng boyfriend eh matagal na panahon ang kanyang hinintay bago niya ipinagtapat sa publiko ang tunay na sexual orientation?

Take note, babae at hindi baklita ang tawag at tingin ni BB sa sarili. Pinaniwalaan ko ang kanyang denial sa lumang isyu na sumali siya noon sa isang gay beauty pageant sa Baguio City. Ngayon pa ba siya magde-deny eh babaeng-babae na nga siya sa hitsura, kilos, at pananalita?

“Chos” nga ang favorite expression ni BB ‘no?!

John hindi magpapatalbog kay BB na panay na ang rehearse

Naloloka si John Lapus dahil sa August pa ang show nila sa Music Museum pero dalawang buwan nang nagre-rehearse si BB Gandanghari ng sayaw. Sina John at BB ang starring sa Beauty and the Sweet. Feel na feel ni John na gustung-gusto ni BB na matalbugan siya kaya panay na ang practice ni BB ng air dance.

Magpapatalbog ba si John kay BB? Hinding-hindi raw siya magpapakabog kay BB dahil may mga gagawin siya sa kanilang show na ikaloloka ng audience. Kung anuman ’yon, panoorin ninyo sa Aug. 2 and 3 ang Beauty and the Sweet.

vuukle comment

ANNA KA

ANNA KARENINA

BEAUTY AND THE SWEET

JOYCE

KANYANG

MAMA GRACE

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with