Isang pelikula sa MMFF nangangamoy problema sa produ
Nangangamoy ang intrigang baka solohin na lang ng isang film outfit ang isang film entry sa gaganaping MMFF. Co-production kasi ito ng dalawang major film studios pero ang isa sa mga bida ay nagkaroon ng falling out sa isa sa kumpanya recently.
Although ang isang studio ang mamahala sa production, pagdating naman sa promotions ay ang isang outfit ang in charge.
Siyempre, sure na magtu-throw back sa isipan ng isang bida ’yung ginawa sa kanya ng sister company ng film company. Iniwan siya sa ere pero buti na lang naging matiyaga ang kumpanyang namamahala sa career niya ngayon.
Wait and see na lang tayo dahil kilala ng showbiz ang laro sa utak ng isa sa mga bida.
Dialogue na katulong sa mga teleserye laos na, kasambahay na ang bagong term
’Kairita ang mga contestant sa Super Sireyna na hindi alam ang ibig sabihin ng salitang kataga. Yet, Ingles sila nang Ingles sa kanilang introduction at sa question and answer, huh!
’Pag kataga, isang salita lang ’yon. Hindi sila magsasabi ng, “Na nag-iiwan ng kataga na…†pero kasabihan na gawa-gawa lang nila ang sinasabi.
Heto pa ang isa naming napansin sa mga drama series naman. Patuloy pa ring ginagamit ang salitang katulong eh luma na ’yon. Kasambahay na ang tawag ngayon sa katulong. Kaya nga nagkaroon na ng Kasambahay Bill.
Puwedeng i-update naman ang mga binibitiwang salita sa telebisyon?
JM gigisingin ni Pedro Calungsod
Nagtataka lang kami sa pelikulang San Pedro Calungsod: Batang Martir. Bagong gawa ba ito o matagal nang tapos? Kasi medyo humupa na ang pagbubunyi ng tao sa nasabing santo na talaga namang pinagpistahan nung ideklara siya ng Vatican City.
Saka how ironic na ang pangalan ng produksiyon ay Hubo Productions, Inc. eh obvious na religious movie ang ginawa ni JM de Guzman, huh!
Luma man ito o bago, kaabang-abang ang gagawin ng produksiyon sa pagsipot muli sa showbiz ni JM. Sari-saring isyu ang naglabasan sa aktor na magaÂling pa namang umarte.
Wish nga lang nang humahanga kay JM, magsilbing wake up call na ang religious film sa kanya upang i-assess muli nangyari sa pagsadsad ng kanyang career.
- Latest