Kahit walang nagawa sa career ang kaseksihan: Sam lumaban sa Sexiest Woman-Asia
Lumaban si Sam Pinto sa Sexiest Woman-Asia in Thailand two days ago. Wala pa tayong balita kung ano ang nangyari sa kanya sa regional tilt.
Kung nagwagi ang starlet na third time ng SexÂiest Woman ng FHM-PhiÂlippines.
Talagang uso na pala ang mga sobrang payat o anorexic beauties.
Sakaling magwawagi si Sam sa ikatlong pagkaÂkataon sa FHM sexiest title, dapat lang. Alam natin ang malaking effort na ginagawa ng kanyang kampo kaya two consecutive years na niyang nasungkit ang title.
Kaya lang, tila walang nagawang magic ang sexiest title sa kanyang showbiz career.
Amalia Fuentes mas feel maging mayaman
Ang pagbabalik ni Amalia Fuentes sa ABS-CBN to finally accept the first teledrama of her sucÂcessful career, ang top news last Wednesday. GaÂganap sa papel na magbabangon sa nalugmok sa dusÂang si Judy Ann Santos, sa Huwag Ka Lang MaÂwawala ang kanyang character sa bagong teleÂserye ni Juday.
Very close to her heart ang role sa woman empoÂwerment kaya hindi nakatanggi si Miss Number One. It is a far cry na puritang ala-Bella Flores na nilayasan niya sa Muling Buksan ang Puso na nakasama sana niya si Susan Roces.
Pinasalamatan ni Amalia ang ABS-CBN for the second chance, lalo na ang netÂwork executive na si Deo Endrinal. Pinuri rin niya at hinangaan ang husay sa pag-arte ni Juday. Gulat na gulat si Fuentes sa bilis mapaiyak ng soap opeÂra queen sa madudulang eksena. Dapat lang sumabay sa dramahan ang senior actress. Kundi, sasapawan siya ng buong-buo ni Juday sa mga tagpong magkasama sila.
Aktor big time na, binigyan ng pangarap na bahay at maraming datung ng kanyang papa
Kalat na ang tsikang pumatol na ang macho actor sa isang very rich and poÂwerful politician. Ang kapatid na never sigurong lalantad sa liwanag ay “Biglang-Datung†ang bansag na middle name.
Lahat ng nakarelasyon niyang mga pogi sa showbiz ay nakapagpatayo ng magagarang bahay at nakabili ng expensive car. Amazing ang paglago ng bank deposit ng kanyang current macho boyfriend. Meron na ring sariling checking account, na tiyak na hindi tatalbog ang tsekeng ibabayad sa mga creditor.
Inaasahang bago matapos ang 2013, sisimulan na ring itayo ang dream house ni pogi. Makakalipat na siya from his crowded condo unit na hindi pa tapos hulugan.
Fans ni Nora umabsent sa trabaho para magbunyi sa panalo
Masayang-masaya si Nora Aunor nang tanggapin ang kanyang ika-pitong best actress trophy mula sa mga Manunuri ng Pelikulang Pilipino for Thy Womb. Naka-simpleng gray suit with sequins ang Superstar, na binigyan ng standing ovation ng kanyang mga kapwa artista at kasamahan sa industriya.
Lubhang mahalaga ang Urian best actor award for Jericho Rosales for Alagwa. Si Brillante Mendoza ang nagwagi ng best production design award for Thy Womb.
Mahigit na 100 loyal Noranians ang dumalo sa gabi ng parangal at lahat sila ay labis na nagbunyi sa muling tagumpay ng kanilang idolo. Kahit ang fans na nagtuturo sa mga kilalang university, nag-absent sa klase upang makiisa sa tagumpay ni Ate Guy.
Mga taga-mainstream cinema kibit-balikat sa mga nanalo sa Urian
Nagkibit-balikat ang ilang kilalang taga-mainstream cinema sa resulta ng Urian Awards. Obvious na hindi sila sang-ayon sa mga pinarangalan ng ManuÂnuri ng Pelikulang Pilipino.
Para namang bago nang bago kayo sa Urian. Ganyan talaga ang kanilang grupo na palaging naiiba ang choices sa ilang award-giving bodies. Kung ang kanilang mga winner ang pumasa sa sariling standards ng grupo, wala naman kayong magagawa.
Magtayo na lang kayo ng sariling award-giving body, para lahat ng gusto ninyong manalo, mag-uuwi ng inyong tropeo.
- Latest