^

Pang Movies

BIG 8 NG MMFF, hindi pa sigurado kung matutuloy

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pilipino Star Ngayon

Inilabas na ng Metro Manila Film Festival Committee ang walong pelikulang napili nila para isali sa Disyembre. Base pa lamang iyan sa mga script, hindi pa nagagawa ang mga pelikula. Kaya kung minsan pagkatapos lumabas na walang kuwenta ang pelikula, kasali pa rin kasi ang binabasehan lang nila ay script, hindi mismong ang finished product.

Kasali ang mga pelikula nina Robin Padilla, Maricel Soriano at ang baklang komedyanteng si Jose Marie Viceral, sina Richard Yap at Jodie Sta. Maria, Daniel Padilla, Eugene Domingo, Bong Revilla, at Vic Sotto. First time na magkakaroon ng religious film sa festival. Iyong pelikula tungkol kay San Pedro Calungsod, pero natawa kami kasi buhay ng santo pero ang pangalan ng producer Hubo Productions, at natatandaan namin iyong director ay kasali noon sa mga gay films.

Anyway, inaasahan nila na mas malaki ang kikitain ng festival ngayon kaysa noong nakaraang taon.

Sana nga ganoon ang mangyari, pero napansin ba ninyo na ang mga highest grossing films kagaya ng mga pelikula ni John Lloyd Cruz ay hindi na isinasali sa festival? Kasi nga naman kung talagang maganda ang pelikula mo at sa tingin mo ay kikita, ilalabas mo na nang hindi festival para makuha mo ang lahat ng sinehan na gusto mo. Sa ngayon iyong pelikula lamang ni John Lloyd ang masasabi mong maaari mong itapat sa kinikita ng ingles na Man of Steel, dito sa Pilipinas.

Kapansin-pansin din, may mga pelikulang talagang itinutulak sa festival na hindi nakapasok. Walang pelikula ngayon si ER Ejercito, dahil kaya sa sinasabi niyang mga reklamo niya sa festival kaya hindi na siya isinali?

Wala ring pelikula si Nora Aunor, sayang baka manalo pa naman siya ng isa pang award, pero ang maganda nga lang sigurado namang walang pelikulang mapu-pull out sa mga sinehan.

Hindi pa sigurado ang mga nasa listahang iyan. Baka last minute may umurong na naman kagaya noong isang taon, inurong ng Unitel ang pelikula  nilang Lola Basyang dahil hindi raw matatapos. Awa ng Diyos hanggang ngayon ay hindi pa tapos ang pelikulang iyon. Nagawa nga ba?

Pelikulang tungkol sa lapastangan sa Diyos target ang ‘Pinas

May isa kaming kaibigan na nag-e mail sa amin tungkol sa isang pelikulang ingles, na ang title ay Corpus Christi. Ang pelikulang iyan na idinirek ng isang nagngangalang Ed D. Louie, at mula sa kuwento ng isang Terence McNally ay hindi religious kung ‘di blasphemous. Isang pelikulang lumalapastangan sa Diyos dahil ipinakikita sa pelikula na si Hesukristo raw at ang mga apostoles niya ay mga bakla.

Sinasabing target ng pelikulang indie na iyan ang Pilipinas, dahil dito raw sa atin ay maluwag na naipalalabas ang mga pelikula ng mga bakla. Iyon kasi ang naging image ng bansa dahil ang mga pelikulang isinasali natin sa mga festivals sa abroad, karamihan ay tungkol sa kabaklaan. Alam din nila na ang mga kuwento ng bakla ay napapanood na sa Pilipinas kahit na sa telebisyon. Sinasabi raw na malakas ang gay culture at influence sa Pilipinas.

Diyos ko pong maawain, huwag naman sanang payagan ang ganyang pelikula  sa ating bansa. Marami nang bakla sa Pilipinas pa lang, mukhang mas malaki pa sa populasyon ng Sodom noon na winasak ng Diyos dahil sa kawalan ng moralidad.

Mga nanalo sa URIAN hindi naipalabas sa mga sinehan, lahat straight to video

Nagtatawanan sila, bakit daw ang mga nanalong artista at pelikula sa nakaraang Gawad Urian ay puro mula sa mga pelikulang never heard, o mga pelikulang hindi kumita sa mga sinehan? Oo nga naman, dapat bang bigyan ng award na pampelikula iyong mga trabahong straight to video lamang o hindi man lang nailabas sa mga sinehan sa bansa?

Kung sa bagay iyang awards naman na iyan ay hindi popular choice, kung ‘di iyong gusto lang nila.

                                                                       

BONG REVILLA

CORPUS CHRISTI

DANIEL PADILLA

DIYOS

PELIKULA

PELIKULANG

PILIPINAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with