^

Pang Movies

Dahil sa mga kinasasangkutang isyu, baka magamit lang daw ang bata application ng aktres na maging foster parent, ni-reject

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Dahil sa hindi magandang nababalita tungkol sa drama actress, hindi tuloy na-approve ang kanyang application para maging isang foster parent. Matagal nang nag-apply ang aktres dahil nami-miss na raw niyang mag-alaga ng baby dahil malalaki na ang mga anak niya.

Kaso nga lang ay inabutan nga ang kanyang pag-a-apply ng sari-saring intriga na hindi magaganda at sa assessment ng mga nasa board ng naturang foster home ay hindi magandang environment ang pagdadalhan nito sa batang dapat na aalagaan niya.

Naiyak ang drama actress dahil looking forward pa naman siya na maging isang foster mother. Pagkakataon na niyang patunayan na capable pa rin siyang maging isang mabuting magulang.

Pero feeling ng mga taga-foster home na mali ang purpose ng drama actress sa nais nitong maging foster parent. Baka gamitin lang ang bata para lang panangga sa mga negative na balita sa kanya. Hindi nila papayagan na magamit sa gano’ng paraan ang isang inosenteng bata.

Kung gusto nitong ipakita na mabuti siyang magulang, simulan niya sa sarili niyang mga anak at hindi sa isang batang walang kamuwang-muwang sa mga nangyayari sa paligid niya.

Bettina busy sa pagbi-bake at pagbebenta ng pastries

Masayang-masaya nga si Bettina Carlos dahil sa magandang pagtanggap ng maraming televiewers sa kanilang gay-serye na My Husband’s Lover.

Bukod sa pagiging busy ni Bettina sa taping, abala rin siya sa kanyang home-based business na Baked Bites by ABC.

Gumagawa at nagbebenta ang single mom ng baked goods at pastries tulad ng brownies, donuts, mini-cakes, at iba pang desserts.

Ang kanilang signature desserts ay ang Fudgee Wudgee Dark Brownies, Foodee Woodee Food For The Gods, Nutty Bunny Mini Carrot Loaves, and Twirly Wirly Caramel Hunks.

 â€œMy daughter Gummy inspires me to create different kinds of desserts. I am happy that ever since I started this business noong 2011, it’s been doing very well. I thank God for blessing me with such a business na enjoy akong gawin parati kahit pagod ako,” kuwento ng Kapuso actress.

Available ang Baked Bites by ABC goodies sa Moonleaf Tea Shop along Sgt. Esguerra Street in Quezon City.

Open din sila for dessert catering for parties and functions. For orders and inquiries, just text 0917-8143711 or visit their Facebook page (www.facebook.com/BakedBites).

Kahit natsismis na may ibang babae na, Kanye nasa tabi ni Kim nang manganak

Ipinanganak noong nakaraang Sabado ang hinihintay na baby girl ng reality star na si Kim Kardashian at ng rapper-singer na si Kanye West. Sa Cedars-Sinai Hospital sa Los Angeles iniluwal si Baby Kimye. At taliwas sa mga nabalitang may ibang babae na si Kanye, nandoon siya sa tabi ni Kim habang nasa deli­very room ito.

Ito nga ang unang baby ng 32-year-old star ng reality show na Keeping Up with the Kardashians pagkatapos niyang magpakasal at ma-divorce ng dalawang beses.

Unang nagkakilala sila Kim at Kanye noong 2012 at ginawa na nila itong public nang sabay silang mag-attend ng Cannes International Film Festival nang taon na iyon.

Noong Dec. 30 ay na-announce ng couple na magkakaroon na sila ng baby. Si Kanye pa ang nag-announce nito sa isang concert niya sa Atlantic City.

Kelan lang ay nabalita namang nakikipagkita si Kanye sa isang modelo at ikinalat pa nga ng nasabing model ang mga litrato nilang magkasama. Pero hindi nga naniwala si Kim at ayaw niyang ma-stress sa balitang ito dahil manganganak na nga siya anytime.

Pinatunayan ni Kanye ang kanyang pagmamahal nang agad siyang tumakbo sa ospital nang ibalita sa kanya na nagli-labor na si Kim. Nag-cancel siya ng isang appearance sa isang record release party para nakarating agad sa ospital.

 

  

vuukle comment

ATLANTIC CITY

BABY KIMYE

BAKED BITES

BETTINA

BETTINA CARLOS

CANNES INTERNATIONAL FILM FESTIVAL

ESGUERRA STREET

ISANG

KANYE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with