^

Pang Movies

Christian kinakapos sa mga kantang live

MASA...RAP - Ernie Pecho - Pang-masa

Naatraso ang dating ng Sunday rating kaya’t hindi masabi kung nakakuha ng mataas na percen­tage ng viewership ang bagong Sunday All Stars ng GMA na pumalit sa kanilang dating Sunday noontime show.

Kinabog kaya nila ang ASAP 18 sa ABS-CBN na tila imposibleng mangyari?

Makatarungan kaya ang paglipat ni Christian Bautista sa Kapuso channel? Ewan lang namin dahil hanggang ngayon kulang sa power ang boses niya kapag kumakanta ng live. Buti nga at nag-hit pa ang kanyang album ng mga kanta ni Jose Mari Chan.

Rex Smith may concert sa bansa

Tonight ang live concert ni Rex Smith sa grand Isla Ballroom ng Shangri-la Edsa Hotel. Ang si­nger/actor ang nagpasikat ng higit na Simply Jessie, na hanggang ngayon ay paboritong kantahin sa mga vi­deoke bar.

KC ayaw idaldal ang mga foreigner na manliligaw

Malakas ang atraksiyon ni KC Concepcion sa mga foreigner. Ang dati niyang boyfriend ay isang French director. Ngayon, at least dalawang banyaga ang kasali sa mga suitor ng kontrabida sa Huwag Ka Lang Mawawala.

Pinipigilan ni KC ang dumaldal tungkol sa kanyang love life. Nakiusap siyang itatago muna ang identity ng mga nanliligaw sa kanya habang wala pa naman siyang desisyon.

Kahit ang sikat na NBA player na pinipilit na i-link kay KC ay ayaw niyang tukuyin. Say ng close sa kanya, may isa na namang French bachelor sa mga dumadalaw sa dalaga.

Ang tanging masasabi niya, she is not permanently dating anyone. Bigyan natin ng sapat na oras ang aktres upang makapili naman ng tama.

Beyoncé iniatras ang demanda sa video game company kapalit ng ilang milyong dolyar

Tumangging ipahayag ang mga detalye sa ina­tras na demanda ni Beyoncé sa isang video game company na ginamit siya sa isang laro. Kung ilang milyong dolyar ang ibinayad sa kanya bilang settlement, walang makapagsabi.

Basta’t masaya ang singer/actress at nawalan na siya ng isang problema.

Kaso ni Sampaguita naayos na, composer Gary nakolekta na ang royalties

Isa pang court case na involved naman si Sampaguita at ang songwriter na si Gary Perez ang naayos din sa wakas. Nakolekta na ni Perez ang royalties na dapat ibigay sa kanyang mga kantang Bonggahan, Tao, at Laguna, among others.

Noong sikat pa ang partnership ng dalawa, katuwang ni Sampaguita si Perez sa pagsusulat ng kanyang mga signature rock anthem.

Dalawang ahaserang aktres, nagsisiraan!

Mula sa kampo ng ahaserang aktres, tulad din niyang mang-aagaw ng artistang kabangayan. Mas grabe raw ang inagawan ngayon dahil may asawa pa ang inahas. Nanira pa ng isang tahanan ang dating sexy actress, ayon sa bintang.

Sa pagkaalam naman namin, matagal nang hiwalay sa kanyang misis ang aktor bago nagka-affair sa aktres. Kaya mali ang bintang ng artistang anaconda. Tuloy ang palubhang hidwaan ng dalawang premyadong artista. Meron pang higit na maintri­gang susunod na yugto. Abangan natin.

 

vuukle comment

BEYONC

CHRISTIAN BAUTISTA

EDSA HOTEL

GARY PEREZ

REX SMITH

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with