^

Pang Movies

Movie ni Dingdong nadehado kay Superman!

REBYUWER KIBITZER - Jhi D. Gopez - Pang-masa

Pinatunayan ni Superman sa Man of Steel na pelikula na siya pa rin ang pinaka-paboritong superhero ng nakararami. Tagumpay ang malawakang publicity dahil nakapagtala ito ng first-day record, P69.52 million, nung nagbukas ng June 12 sa bansa.

Suwerte naman dahil hindi umulan ng malakas nung Miyerkules na kasing lakas nang nangyari nung Huwebes. Kung nagkataon ay hindi ganun kalaki ang kinita ng pelikula sa takilya.

Nadehado ng todo ang Dance of the Steel Bars ni Dingdong Dantes sa Man of Steel ni Henry Cavill. Sa isang sinehan ay na-pull out na yata ang pelikulang Pinoy at ang iniwan na lang ay foreign films. O puwede ring tinanggal muna pero ibabalik ngayong Sabado at Linggo.

Nakalulungkot na naiwan pa sa mga sinehan ang After Earth ni Will Smith na umabot pa sa linggo nang pagpapalabas ng bagung-bagong Man of Steel. Hindi kasi ganun kaganda ang sci-fi flick ni M. Night Shyamalan ngayon. Mas understandable pa kung Fast & Furious 6 ang meron pa dahil hindi magsisisi ang moviegoers sa aksiyong itinodo ng cast.

Maganda pang panoorin ang makatotohanang pelikula ni Dingdong kesa sa futuristic na pelikula ni Will Smith.

Movie ni Catherine Zeta-Jones inisnab ng mga Pinoy

Nitong nagdaang linggo ay hindi nag-iisa ang After Earth sa medyo disappointing sa mga banyagang palabas sa sinehan.

Malalaki ang stars ng Side Effects — Catherine Zeta Jones at Jude Law — pero hindi gaanong pinag-usapan o pinasok sa sinehan. At sa SM Cinemas lang  ito ipinalabas dahil wala sa Ayala malls.

Wa epek ang paglalantad ni Catherine na siya ay isang bipolar ilang linggo na ang nakararaan. O ang paglalahad ng mister niyang si Michael Douglas na nakuha diumano ang kanyang throat cancer sa oral sex. Hindi naging curious ang mga Pinoy sa Side Effects ni Catherine at bigo ito sa takilya.

Kumalat naman sa online na maganda raw ang Now You See Me pero nang panoorin na ay hindi naman pala. Corny pa nga ang ending ni The Eye (Mark Ruffalo). Nadaan lang sa magic o illusion ang mga nakapanood. 

Bago pa dumating ang After Earth at Now You See Me ay naipalabas din ng walang ingay ang The Call. Si Hale Berry ang bida sa suspense-thriller na aakalaing Asian horror dahil sa title.

Kokonti lang din ang nakapanood ng The Call pero nagulat ang moviegoers dahil panalo sa suspense factor ang pelikula. Hindi nga lang gaanong nakakabilib ang ending pero solved na solved na sa 95% ng pelikula kumbaga.

Pero sabi nga, hindi malalaman ang tunay na takbo ng kuwento sa pelikula kung hindi panonoorin. Huwag basta maniniwala sa intro o promo. O kahit sa ilang naunang movie reviews.

’Yun nga lang talagang tiis lang sa mahal ng ticket prices kung bawat palabas ay iisa-isahing panoorin. Lalo na kung sa magandang sinehan pa papasok.

AFTER EARTH

CATHERINE ZETA JONES

CATHERINE ZETA-JONES

DANCE OF THE STEEL BARS

MAN OF STEEL

NOW YOU SEE ME

PINOY

SIDE EFFECTS

WILL SMITH

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with