^

Pang Movies

Ayaw sabihin kung sa NBA star KC tumitibok na uli ang puso sa foreigner!

- Vinia Vivar - Pang-masa

Aminado si KC Concepcion na maraming nagpaparamdam sa kanya ngayon pero wala pa siyang boyfriend at excited na nga raw siya to fall in love again.

Aminado rin siyang may someone na nagpapatibok ng slight sa puso niya ngayon pero ayaw na niyang i-reveal kung sino ito. Ang tanging inamin lang niya ay fo­reigner ito.

“Marami po talagang nagpapakilala sa akin. Wala pa po akong idine-date exclusively. Parang hinihintay ko na gumawa sila ng isang malaking gesture ’tapos iko-consider ko na,” sabi ni KC nang makausap namin siya sa presscon nila ni Sam Milby para sa seryeng Huwag Ka lang Mawawala.

May nagpapatibok na?

“Slight,” nakangiti niyang say.

Ito ba ’yung NBA player?

“Sa akin na lang po muna siguro ’yun. In the future malalaman n’yo rin naman po ’yun. One, ayo­ko i-preempt and number two, siguro, marami na rin akong na-share sa public na gusto ko po munang ma-experience mag-isa bilang babae. Saka ko po ise-share ’yun ’pag ready na ako at ‘yung magiging boyfriend ko,” say pa ng dalaga.

“Pero excited ako ha? For my future love life,” pag-amin niya.

Nilinaw niya na sa kabila ng mga nangyari sa kanya ay hindi naman siya jaded when it comes to love.

“Huwag namang isipin na ang lahat ng lalaki pare-pareho,” say pa niya.

Positive pa rin siya sa pag-ibig at ito rin ang gusto niyang makita ng publiko sa kanya.

Ang parang boyfriend nga niya ngayon ay ang papa niyang si Gabby Concepcion. Madalas daw silang mag-bonding lately at kadalasan ay sa beach sila nagpupunta dahil as we all know ay beach person ang ama niya.

“Cool na cool ang taong ’yun, very adventurous, sa kanya ko yata nakuha ang pagiging adventurous ko,” sabi pa ni KC.

Kamakailan ay nagpunta sila sa Lobo, Batangas at three days silang nag-bonding. Baka sa darating na Father’s Day ay mag-beach trip din sila.

Jennylyn parang hindi nababakante

Excited si Jennylyn Mercado sa guesting niya sa Wagas dahil for a change ay si Ramon Bautista naman ang kanyang kapareha who portrays the role of Mike Enriquez.

Light romance lang ang tema at dahil nga may pagka-komedyante itong si Ramon ay wala raw dull moment sa set.

Kahit nawala nang sabay-sabay ang kanyang tatlong shows sa GMA7 (Party Pilipinas, Indio, and HOT TV), parang hindi rin nabakante si Jen dahil sa June 16 ay eere na agad ang Sunday All Stars na kapalit ng Party Pilipinas kung saan ay isa siya sa team leaders kasama sina Christian Bautista, Mark Bautista, and Jolina Mag­­dangal.

Bukod dito, up to now ay pinag-uusapan pa rin ang kanyang cover sa June issue ng FHM kung saan ay pumayag siyang mag-topless for the very first time.

Pangatlong cover na ito ni Jen at ito na ang pinaka-daring so far, not to mention the fact that she’s at her sexiest this time dahil na rin sa ginagawa niyang pag-aalaga sa sarili for the past few years.

Ngayong June 15, catch Jen at her FHM’s autograph-signing from 6:00 p.m. to 8:00 p.m. sa Robinsons Supermart lobby at Robinsons Galleria.

 

 

 

vuukle comment

AMINADO

CHRISTIAN BAUTISTA

GABBY CONCEPCION

HUWAG KA

JENNYLYN MERCADO

JOLINA MAG

NIYA

PARTY PILIPINAS

RIN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with