^

Pang Movies

Komedyanteng si Tuesday Vargas hindi makabuu-buo ng baby!

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Tatlong taon nang sumusubok si Tuesday Vargas at ang kanyang mister na si Coy Placido na magkaroon ulit ng isang baby. Pero hanggang ngayon ay hindi pa rin sila sinusuwerte.

Inamin ni Tuesday na na-miscarriage siya two years ago at two months na ang dinadala niyang baby that time. Since then ay wala pa silang nabubuong sanggol.

“Eleven years old na kasi ang panganay namin. Magbibinata na kaya gusto na rin naming magkaroon ng bagong aalagaan na baby.

“Ayon naman sa doctor namin wala namang problema sa aming dalawa ni Coy. We are both healthy. Kailangan lang talaga na pareho kaming relaxed at huwag masyadong isipin ang magkaroon ng baby,” sabi ng comedienne-singer.

Ang problema lang ay ang schedule ni Tuesday. Bukod sa pagiging judge nito sa Talentadong Pinoy, regular pa rin siyang mapapanood sa gag show na Lokomoko U na nag-celebrate lang ng ika-third anniversary nito sa TV5.

“Babalik din ako school. I will be taking up culinary arts sa CCA (Center for Culinary Arts). Na-encourage kasi ako ng mga kaibigan ko sa CCA and at the same time tutulungan ko sila sa pag-promote ng kanilang school.”

Tom proud na proud sa kuwento ng kabaklaan

No regrets si Tom Rodriguez nang iwan niya ang kanyang role sa top-rating morning series ng ABS-CBN na Be Careful With My Heart para mag-audition sa role na Vincent sa bagong primetime series ng GMA 7, ang “gay serye” na My Husband’s Lover.

Dumaan sa isang audition si Tom kasabay ang ilan pang mga actor at masuwerte nga’t siya ang napili. Bumilib daw si Direk Dominic Zapata sa pag-atake niya ng role na Vincent. Ramdam nila ang sincerity sa performance nito. Nagku-compliment din ang looks niya kina Dennis Trillo at Carla Abellana.

Inamin ni Tom na malaking sakripisyo ito on his part dahil iniwan niya ang isang show na may matatag na poste para sa isang show na magsisimula pa lang. Pero ang ipagmamalaki ni Tom ay magiging pioneer sila sa paglabas sa kauna-unahang “gay serye” sa Philippine television.

Bodyguards ni Justin Bieber iimbestigahan, nangbugbog ng fan!

Under investigation ang mga bodyguard ni Justin Bieber dahil sa pangdadamba at pagbugbog sa isang tao na gusto lang kunan ng litrato ang teen singer.

Naganap ang eksenang ito nang pumunta sa Hookah Lounge in Hollywood ang grupo ni Bieber. Hindi isang paparazzo kundi isang regular na tao na gusto lang kunan ng picture ang celebrity.

Noong pigilan ito ng mga bodyguard ni Bieber, doon na nagkagulo at nagkasakitan ang mga ito.

Nagtawag ng police ang kawawang nabugbog ng bodyguards ni Bieber pero nakaalis na ang grupo nito sa naturang venue.

Ngayon ay iimbestigahan ang mga bodyguard ng pop superstar para sa isang misdemeanor battery.

BE CAREFUL WITH MY HEART

BIEBER

CARLA ABELLANA

COY PLACIDO

CULINARY ARTS

DENNIS TRILLO

DIREK DOMINIC ZAPATA

ISANG

JUSTIN BIEBER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with