Talent manager pinagbibigyan lang ang pagpupuputak ng aktor
Pinayuhan ng concerned friends ang palaban na talent manager na huwag mag-react o patulan ang mga sinasabi sa press ng kanyang alaga.
Ang feeling ng concerned friends, magaÂgamit lamang ng aktor ang kanyang manager na maraming alam tungkol sa mga sikreto niya.
Hindi ako naniniwala na magpapaawat ang manager. Baka pinagbibigyan lamang niya ang pagputak ng aktor at kapag natapos ito ay siya naman ang reresbak sa alaga na walang utang na loob, may image na walang paninindigan, at nang-iiwan sa gitna ng laban.
Lola ni Charice nagpapahiwatig ng kapalit ng tricycle
Hindi pa tapos ang paglilibot ni Charice sa mga TV show dahil kahapon ay kinunan naman ng crew ng isang TV news program ang paglalaro niya ng basketball sa kanilang bayan sa Cabuyao, Laguna.
Mhin na mhin na talaga si Charice dahil mahihiya ang isang tunay na lalaki sa kanyang mga kilos at gusto.
Nang mag-guest ng live si Kuya Charice sa Startalk noong Sabado, dumagsa sa studio ang mga tao na intrigang-intriga na ma-sight ang kanyang bagong hitsura.
At kung napansin ninyo, hindi seryoso ang mga tanong namin kay Kuya Charice dahil nakiusap ang kanyang manager na walang mga question tungkol sa away nila ng nanay niya.
Shocked naman ang televiewers sa mga sinabi ng lola ni Kuya Charice na si Tess Relucio na sumasakay lamang siya ng tricycle samantalang ang kanyang apo ay BMW ang kotse.
Ang feeling ng televiewers, nagpaparinig kay Kuya ang kanyang lola. Hindi naman manhid si Kuya para hindi ma-getlak ang type na ipahiwatig ng lola niya.
Anak ni Melanie Marquez sa Amerika rumarampa
Kasali sa isang international moÂdeling contest ang panganay na anak na babae ni Melanie Marquez na si Maxine pero American surname ang ginagamit ng bagets.
Apparently, kasal na ang anak ni Melanie sa American husband nito kaya ang apelyido ng mhin ang ginamit niya nang sumali sa modeling contest.
Ang former actor na si Derek Dee ang tatay ni Maxine at kamukhang-kamukha niya ang ama. Chinky-eyed si Maxine dahil minana niya ang mata ng kanyang Filipino-Chinese father.
Wala nang masyadong nababalitaan tungÂkol kay Melanie mula nang mag-migrate sa Utah, USA ang kanyang pamilya at mga anak. Taga-Utah ang mister ni Melanie na si Adam Lawyer.
Kung nakuha ni Maxine ang talent ni Melanie sa pagÂrampa, malaki ang tsansa na mapansin siya sa modeling contest na sinalihan.
- Latest