^

Pang Movies

Kataka-taka? Julie Anne San Jose ini-level ng Awit Awards sa mga beterana

MASA...RAP - Ernie Pecho - Pang-masa

Noong unang Awit Awards, na sinimulan ng yumaong kaibigang Oskee Salazar, kasama kami sa mga taga-industriya ng musika na naging hurado. ’Di ko malimutan na ang dakilang Armida Si­guion-Reyna ay kasali sa mga first judge ng award-giving bodies.

Dapat talagang nandoon si Tita Midz. Marami kaming natutuhan sa kanya, pati na ang kasaysayan ng sinaunang Pinoy pop.

Pagkatapos ng apat na dekada, narito ang bagong Awit Awards, na ang Philippine Association of the Record Industry (PARI) ang nagtuloy. At least, higit na marami ng mga award-winning body for the music industry, kasama ang Star Awards for Music at KAMPI (Kapisanan ng mga Kompositor).

Lumabas na ang 2013 nominations ng Awit Awards. Would you believe na kahanay nina Lea Salonga, Aiza Seguerra, Sarah Geronino, at Angeline Quinto si Julie Anne San Jose?

Sa best performance by a male recording artist naman, mahigpit ang laban nina Martin Nievera, Noel Cabangon, Gary Valenciano, at Joey Ayala. Pawang mga batikang mang-aawit/composer!

Ang rapper na si Gloc-9 ang nakatanggap ng pinakamaraming nominations — anim lahat, kasama ang Song of the Year. Kung natandaan pa ninyo, nagwagi ng limang Awit Awards si Gloc-9 noong 2010.

Yasmien hindi makalimutan ang lahing Arabo

Halatang kapapanganak pa lang ni Yasmien Kur­di. Overweight pa siya at tuloy ang breastfee­ding sa kanyang six-month-old baby. Dahil sobra sa gatas ang lactating mother, nagdo-donate siya ng kanyang sariling milk sa mga hospital.

Madali namang mapanatiling sariwa ang gatas ng tao. Ilagay lang agad sa mga feeding bottle at i-refrigerate.

Kasali na si Yasmien sa Anna Karenina at pa­­­­reho silang malusog ng kanyang daughter na si A­ye­sha Sara. Pati sa pangalan, ’di makalimutan ng aktres ang kanyang la­hing Arabo from her own father.

Kahalagahan ng production design sa pelikula ipinaliwanag ni direk Brillante

Resource speaker ng Philippine Movie Press Club (PMPC) si Direktor Brillante “Dante” Mendoza, sa second day ng seminar in Sentosa sa Elenita, Los Baños, Laguna.

Naging more familiar kami sa alternative filmmaking sa mahigit na dalawang oras na pakikipag-usap sa multi-award winning director.

Naipaliwanag sa amin kung gaano kahalaga ang production design sa mga indie film. Being a PD himself, before he directed movies, laging si Direk Dante ang production designer sa kanyang mga pelikula.

Gusto niyang laging maging natural ang ayos ng mga artista, pati na ang mga background o environ­ment, sa lahat ng kanyang pelikula. Higit din na­ming nalaman ang malaking kaibahan ng alternative o indie, sa mga mainstream movie. Kulang ang dalawang oras, sa marami pang gustong i-share sa amin si Direk Dante.

Kulang pa ang P100K na monthly allowance, Direk panay ang hingi ng datung na pang-casino sa alagang aktor

That Thursday evening at Sentosa Elenita was a night of blind item exchange. Naglabasan ang mga natatagong kuwento tungkol sa mga artista at mga popular showbiz personality. Kaya ang mga colum­nist at radio-TV personality na kasama namin, meron ng sapat na materials for more than a month.

Ang isa sa mga naging bida sa mga blind item, ang director na kulang pa ang allowance na P100,000 a month mula sa kanyang discovery na durable star. Naging sugapa kasi sa casino si Direk!

Sa tuwing kinakapos, tawag agad siya sa sikat na artista. Hihirit pa ng additional P50K na pinapadala naman agad sa kanya! Ang sarap naman ng buhay ni Direk!

AIZA SEGUERRA

ANGELINE QUINTO

ANNA KARENINA

ARABO

AWIT AWARDS

DIREK

DIREK DANTE

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with