^

Pang Movies

Sarah imposible nang bumalik ng ’Pinas dahil sa kaso sa GMA

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Lumabas na ang desisyon ng piskalya at ngayon nga ay nakasampa na sa korte ang demanda na ginawa ni Atty. Annette Gozon-Abrogar laban kay Sarah Lahbati. Nagsimula iyon sa sinasabi nilang paninirang puri ni Sarah na inilabas sa kanyang Twitter account nang pagbintangan niya si Ms. Abrogar na kasama sa mga humihikayat sa kanya na sumailalim sa management ng dating boyfriend ni Jolina Magdangal.

Sinabi pa ni Lahbati na hindi siya nakumbinsi dahil kung pumayag siya mas malaki pa ang kikitain ng management people na humahawak sa kanya kaysa sa kanya mismo. Nasa ilalim na siya ng artist center ng GMA ’tapos gusto pa nga siyang isailalim sa management na iba.

Nakita naman ng piskalya na may sapat na dahilan ang lady executive na magharap ng demanda.

Kaso bago pa man nangyari iyon ay nakaalis na si Sarah sa Pilipinas at nasa abroad na para raw mag-aral. Iyon daw kasi ang talagang gusto ng kanyang ama. Ang paniwala rin naman ni Sarah, ito na nga ang panahon para siya mag-aral na muli. Dahil doon sinasabi rin ng GMA Network, Inc. na ibinitin ni Sarah ang trabaho niya na nakaapekto naman sa kanyang kontrata sa GMA. Nagbakasyon kasi siya noon sa Switzerland nang walang paalam.

Sinasabi ngayon ng mga abogado ni Atty. Abrogar na mas makabubuti kung mababalik si Sarah sa Pilipinas para harapin ang kanyang mga kaso pero babalik pa nga ba siya para harapin ang problema gano’ng obvious naman sa simula pa lamang na kaya siya umalis ay dahil alam nga niyang maghaharap ng kaso laban sa kanya ang dati niyang network? Ngayon ay may warrant of arrest pa siya.

Dahil doon ay naiwan din niya ang isa pa niyang pelikulang natapos na at nasa promotional stage. Hindi rin gaanong kumita ang pelikulang iyon.

Babalik pa nga kaya si Sarah para harapin ang kaso? Palagay namin ay hindi na.

Vice Ganda susunod na kay Willie?!

Lalo yatang dumadami ang mga taong nasulasok sa mga joke ng baklang komedyanteng si Jose Marie Viceral aka Vice Ganda kaya nga dumami ang naging kalaban niya. Sa isang survey na ginawa ng isang showbiz networking site, lumalabas na napakarami ang nagsasabi na ang jokes ni Viceral ay “in bad taste” lalo na nga ang ginawa niyang panlalait sa broadcast journalist na si Jessica Soho.

Marami ring mga taga-showbusiness kagaya ni Jun Magdangal, ang tatay at dating manager ni Jolina, at ang box-office director na si Tony Reyes na nagsabi sa amin na dapat talagang mabigyan ng sanctions si Viceral. Isang mahabang “pleeeeeeeze” ang naging sagot sa amin ng character actress na si Vangie Laba­lan. Marami pang ibang mga taga-showbusiness na nagla-like sa mga komento laban kay Viceral at ngayon maging ang mga cause-oriented group ay nagkakampanya na rin para i-boycott si Vice. Isang beteranong journalist din ang nagsabing dapat idemanda ang gay comedian sa kabila ng kanyang apology at sa statement ng National Press Club ay kinondena rin ang ginawa ni Viceral.

Mukhang tama ang sinasabi nila na mukhang si Vice Ganda ang susunod kay Willie Revillame.

Aktor nagpapahaging na gustong magka-cell phone

Nakakahiya naman ang ginagawa ng isang aktor. Panay ang post niya na gusto niya ng bagong cell phone. Obviously, naghahanap siya ng sponsor para makabili ng cell phone na gusto niya. Tama ba naman iyon?

Hindi ba niya naiisip na nakaka-cheap sa kanyang image iyon? Hindi ba niya naiisip na dahil doon ay marami nang nag-iisip ng ibang bagay tungkol sa kanya?

ANNETTE GOZON-ABROGAR

DAHIL

ISANG

NIYA

SIYA

VICE GANDA

VICERAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with