^

Pang Movies

Baklang komedyante nanakawan ng pera at mamahaling wallet ng kapwa bading na nagtatrabaho sa bar

Jun Nardo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nataranta ang isang bading na komedyante nang mapansin niyang nawala ang branded wallet niya na may laman na cash habang naka-set. Palibhasa may tiwala sa kasamahan kaya iniwan niya sa kanyang bag ang wallet. Hindi niya akalaing may nanakaw sa pera niya na first time lang nangyari sa pagtatrabaho niya sa bar.

Merong pinaghihinalaan ang bading na katrabaho rin niya sa bar. May history kasi ang bading lalo na’t gipit na gipit ito sa pera dahil nawalan ng regular na trabaho. Gustuhin man ng bading na komprontahin ang pinaghihinalaan, wala naman siyang testigo upang sumaklolo sa problema niya.

Eh ang alam namin, hina-hunting ng kanyang pinagkakautangan ang pinagbibintangang bading. Matagal nang hindi mahagilap ng kanyang creditors ang bading kaya one of these days ay nakatakdang bulagain ang bading ng mga ito!

Maxene nasasarapang hawakan ang biceps ni Raymond

Mag-ama sa isang pinagsamahang show dati sa GMA sina Raymond Bagatsing at Maxene Magalona. Ngayon, sa Mga Basang Sisiw na mapapanood bukas after Eat Bulaga, lovers na ang drama nila.

First time kasing magkontrabida ni Maxene hindi kagaya nung una niyang mga role na siya ang inaapi. ’Tapos, may landian siya with Raymond to think na loveless siya ngayon, huh!

“Ay, heto ang nakakatawa riyan. Kami ni Sir Raymond, naging tatay ko na siya sa Saang Sulok ng Langit. Ngayon, lovers na kami. Eh bagets na bagets pa rin siya! Hahaha!

“I like working with Raymond ’cause he’s so natural! Ang sarap hawakan ng biceps! Hahaha!

“Ngayon, mas focused na ako sa trabaho. Huwag na munang magdyowa. Hahaha!” pahayag ni Maxene sa presscon.

Joyce at Kristoffer nagkakaselosan sa ibang partners

Hindi sagabal sa isa’t isa ang relasyon nina Kristoffer Martin at Joyce Ching. Kanya-kanya naman kasi sila ng career pero nakakadama rin sila ng konting selos kapag may intimate scenes sila sa ginagawang eksena.

“Siyempre nahi-hurt din siya gaya ng ginawa kong eksena sa Magpakailanman na daring ang dating. Very light ’yung selos pero naayos din naman namin.

“Siya rin naman nagkaroon kay Diva (Montelaba) sa Pahiram ng Sandali. Sila ’yung extreme. Na-hurt din ako ng very light pero naayos naman. Hahaha!” pahayag ni Joyce na nasa cast ngayon ng Anna Karenina.

ANNA KARENINA

BADING

EAT BULAGA

HAHAHA

JOYCE CHING

KRISTOFFER MARTIN

MAXENE

NGAYON

RAYMOND

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with