^

Pang Movies

MTRCB babatanyan na ang mga programa ni Vice Ganda!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Nagsimula nang kumilos ang Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB). Sinabi na ni Chairman Toto Villa­real na tatawagan nila ang mga network laban sa “comedy bar acts” na ginagamit na sa telebisyon. Ito ay kasunod doon sa mga reklamo ng mga taong hindi nagustuhan ang ginawang mga pagbibiro, kung hindi man matatawag na diretsang panlalait ng baklang komedyanteng si Jose Marie Viceral aka Vice Ganda, laban kay Jessica Soho ng GMA News TV.

Ang masama nga lang, hindi naman iyon gina­wa sa isang television show kaya walang pakialam doon ang MTRCB. Iyon ay ginawa sa isang “pinalaking comedy bar act” ng baklang komedyante. Bukod kay Jessica, nilait-lait din niya hindi lamang si Nancy kung hindi ang buong pamilya Binay.

Pero may punto si Villareal, hindi lamang sina Jessica at Nancy ang biktima ni Viceral kundi ganoon din ang napakaraming contestants na sumasali sa kanilang TV show. Kaya nga lang siguro hindi nagrereklamo ang mga iyon ay dahil sa malalaking prem­yo na nakukuha nila matapos na sila ay laitin ng baklang komedyante.

Talagang may panganib sa publiko ang mga “comedy bar” at “gay bar” acts na natatangay na ng ilang performers sa telebisyon. Hindi maganda ’yan lalo na at napapanood ng mga bata. Paano kung mapanood ng mga bata ang mga panlalait? Magagamit ng mga bata ang masamang birong ’yan sa ibang mga tao, na kung mapipikon madudunggol sila talaga.

Okay comedy iyan pero ano ang karapatan nilang pagkakitaan ang panlalait sa ibang tao?

Kailan nagkaroon ng karapatan ang mga comedian na pagkakitaan ang panlalait sa ibang tao, lalo na at ang mga taong iyon ay nirerespeto ng lipunan kagaya ng isang premyadong broadcaster at isang senador na? Ang “toilet humor” ay magagawa sa pribado, hindi dapat gawin sa telebisyon.

Kris pilit na inaalis ang karapatan ni James maging ama kay Bimby

Bagama’t kinatigan ng korte ang hiningi ni Kris Aquino na permanent protection order para hindi makalapit sa kanya ang dating asawang si James Yap, sinabi naman ng korte na hindi nila maibibigay ang hiniling niyang huwag ding palalapitin ang basketball player sa kanyang anak.

Sinabi ng korte na unlikely naman na may gagawing masama si Yap sa kanyang anak at mas makabubuti para sa bata iyong madama niya ang pagkalinga hindi lamang ng kanyang ina kundi pati ng kanyang ama. Pero ang sabi nga ng abogado ni Kris, iaapela nila ang desisyong iyon ng korte.

Kawawa naman ang bata, ayaw siyang bigyan ng karapatang madama kahit na paano ang pagkalinga sa kanya ng ama. Naniniwala kami na malaki ang epekto sa isang bata na hindi nakakadama ng pagkalinga ng isang ama. Matagal na ang study na ’yan ng mga psychologist. Baka maging problema pa nila ’yan pagdating ng araw.

Aktres na kulang ang pang-matrikula ibinenta ang katawan para magkapera

Nag-aaral pa pala ang isang aktres at dahil kulang ang pera niyang pang-enroll ay napilitan siyang tawagan ang isang talent manager na pimp. Kawawa naman ang mga batang ganyan, misguided eh.

Kailan pa nga kaya nila malalaman na marami namang ibang paraang magagawa liban sa pagbebenta ng kanilang katawan? Kailan kaya nila matututuhang pahalagahan ang kanilang dignidad bilang tao?

 

CHAIRMAN TOTO VILLA

ISANG

JAMES YAP

JESSICA

JESSICA SOHO

JOSE MARIE VICERAL

KAILAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with