Callalily, 6 Cyclemind, magsasanib pwersa
Sa kauna-unahang pagkakataon, magsasanib-pwersa ang Callalily at 6 Cyclemind sa isang concert na pinamagatang Switch ngayong June 7 sa Music Museum. Maraming surprises ang mapapanood sa concert ng dalawang banda. Isa na rito ang pagsasama ng choir at pagtugtog ng mga awitin na hindi pa nila nagagawa.
Ang mga bumubuo sa Callalily ay sina Kean Cipriano, Aaron Ricafrente, Lemuel Belaro, at Tatsi Jamnague. Ang mga miyembro naman ng 6 Cyclemind ay sina Tutti Caringal, Bobby Cañamo, Rye Sarmiento, Herbert Hernandez, at Vic Aquino.
Sinu-sino naman ang crushes nila sa showbiz?
Ayon kay Tutti, forever crush niya si Kris Aquino pero gandang-ganda siya kay Kathryn Bernardo. Hanga naman si Kean kina Kim Chiu at Cristine Reyes dahil sa pagiging totoong tao ng dalawa. Ang iba namang miyembro ay crush sina Rhian Ramos, Solenn Heussaff, at Georgina Wilson.
Sumikat ang Callalily sa mga awiting Magbalik, Pasan, Insane, at Sanctuary. Ang 6 Cylemind naman ay nakilala sa mga awiting Sandalan, Trip, Paba, Sige, Nalilito, at Wait or Go. Bukod sa pagtugtog ng banda, isang artista si Kean at nanalo namang konsehal sa 2nd district ng Laguna si Tutti bukod pa sa pagiging mainstay ng It’s Showtime sa Dos.
Lalake ginastusan ang debut
Bongga ang grand launch at debut ni Juan Carlo del Rosario na pinangunahan ng kanyang amang si Alex na 17 years na sa catering business. Anim na buwan ang preparasyon nila. Natanong siya kung magkano ang nagagastos ng isang debutante.
“Mga 200,000 ang magagastos at talagang pinaghahandaan namin ito. Kung hindi kagandahan ang dilag, pagagandahin namin siya.
“May mga sikat kaming hairstylist at make-up artist,†aniya.
May nagtanong na bading sa hanapbuhay kung bakit babae lang ang nagde-debut at hindi mga lalaki.
Si Julia Montes ang kanilang endorser sa inilunsad na Debut.
- Latest